• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pascual mag-iiwan ng bakas

DUMADALANGIN si San Beda High School Red Cubs team captain Jose Miguel Pascual  na maidaraos ang 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) juniors boys basketball tournament 2020-21 upang maging makulay ang pag-eksit niya

 

Huling taon na 19 na taong gulang at 5-11 ang taas na point guard para sa Mendiola-based squad dahil magtatapos na siya ng senior high school.

 

Ang Beda ang nagkampeon sa ika-95 edisyon ng liga kung saan nakatropa ni Pascual ang mga nakapagtapos na nitong Marso na sina Rhayyan Amsali, Yukien Andrada, Justin Sanchez at Winston Ynot.

 

Isang beterano na rin ng internasyonal na kompetisyon si Pascual sa paglalaro sa Batang Gilas sa 4th SEABA Under-16 Championship 2017 sa  Pilipinas at sa 5th FIBA World Cup Under-17 2018 sa Argentina. (REC)

Other News
  • Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda

    ISINUSULONG  sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.     Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.     Sa kabila na […]

  • PBBM, hiniling sa mga Pinoy na tumulong para makamit ang ‘Bagong Pilipinas’

    HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bawat Filipino na tumulong para makamit ng administrasyon ang minimithi nitong “Bagong Pilipinas.”     Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga Filipino sa minimithing ito ng pamahalaan.     Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinalabas araw ng Sabado, hinamon ng Punong Ehekutibo ang mga Filipino na […]

  • Tsina, ayaw tanggapin ang ‘unilateral’ claim ng Pinas sa UN ukol sa ‘extended continental shelf’

    AYAW tanggapin ng Tsina ang pagsusumite ng Pilipinas sa United Nations (UN) body ng kahilingan na palawakin ang continental shelf nito sa West Philippine Sea para “explore and exploit” ang mga likas na yaman doon.     Sa isang press conference, araw ng Lunes, Hunyo 17, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian na […]