• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART, magtatagal sa Los Angeles para sa isang secret project at art project nila ni BRANDON BOYD

KASALUKUYANG nagla-lock-in taping ngayon si Heart Evangelista para sa GMA primetime series niyang I Left My Heart in Sorsorgon.  

 

 

Puro Manila scenes na raw ang kinukuhanan nila kaya sabi ni Heart, matatagalan daw siguro baka siya makabalik muli ng Sorsogon.

 

 

Sa Instagram Live ni Heart, nabanggit niya na after pala ng taping, lilipad na naman siya papuntang Los Angeles, U.S.A. pero this time raw, magtatagal siya.

 

 

“I’ll gonna leave for L.A. trip and I’ll gonna be there for a long time. Matatagalan before I can go back to Sorsogon. In fact, I wanted to go to the opening of the Capitol, but I’m here na sa in Manila sa lock-in taping.”

 

 

Tinanong tuloy namin ito kung ano ang gagawin niya sa L.A. at dahil malapit na ang Pasko, posible rin kaya na do’n na siya magki-Christmas.

 

 

And true enough, mukhang do’n na nga raw siya mag-i-spend ng Christmas.

 

 

At sa gagawin niya sa L.A. kung bakit siya magtatagal, sikreto pa raw, “It’s actually a secret project. And also, I’ll be there for the art project with Incubus’ Brandon Boyd.”

 

 

***

 

 

ANG mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay naka-Halloween break din.

 

 

Makikita sa mga Instagram stories nina Dingdong at Marian na katulad ng pamilya nina Vic Sotto at Pauleen Luna, sina Dingdong at Marian, kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto ay naka-bakasyon din ngayon,

 

 

Hindi pino-post nina Dingdong at Marian kung nasaan sila pero may nakapagsabi sa amin na tulad nga nina Bossing at Pauleen, nasa Amanpulo rin ang mga ito.

 

 

Tawang-tawa raw si Marian na ipinost pa sa IG stories niya ang baby lechon na nang makita ng anak na si Sixto ay naawa.

 

 

Sabi raw ni Sixto, “Mama wawa peppa pig!” Sabi ni Marian, “Hahahaha tawang-tawa ako sa ‘yo, anak!”

 

 

Ang peppa pig ay ang pabiritong cartoon mga batang edad nga ni Sixto.

 

 

Sa isang banda, kilala ang DongYan na palaging may bonggang Halloween costume, so far, mula nang ipanganak si Sixto ay ‘di pa sila nakakapag-family costume.

 

 

Tiyak na marami ang nag-aabang kung kahit ba nasa mala-paraisiong Amanpulo sila ngayon ay gagawin nila ang nakagisnang tradisyon.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • SARAH, binigyang pugay ang mga magulang sa virtual concert; MATTEO, ibinahagi ang kanilang wedding photo shoot

    NAGING touching sa amin, kahit na wala sa mismong virtual concert ni Sarah Geronino na Tala The Film Concert ang mga magulang niya at kapatid.     May isang segment na binigyang honor ni Sarah ang mga magulang. Kahit open sa publiko ang nangyaring pagtutol ng parents ni Sarah sa pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli, […]

  • 2 tulak arestado sa higit P.4 milyon shabu sa Valenzuela

    Mahigit sa P.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, bandang 8 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement […]

  • Sa in-isyung statement ng Sparkle GMA Artist Center: Nag-post at nag-share ng pinekeng photo ni ALDEN, papatawan ng legal action

    NAG-ISSUE ang Sparkle GMA Artist Center ng statement tungkol sa fake photo ni Alden Richards na lumabas.     Gagawan nila ng legal action ang nag-post at nag-share ng pinekeng larawan ni Alden.     Ayon sa statement, “It has come to our attention that a photo of our artist, Mr. Alden Richards, appearing to […]