2 tulak arestado sa higit P.4 milyon shabu sa Valenzuela
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
Mahigit sa P.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, bandang 8 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos kontra kay Joel Casuple alyas Belok, 41, malapit sa kanyang bahay sa Purok Orosco St. Mapulang Lupa.
Nang tanggapin ni Casuple ang P2,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 60 gramo ng shabu na tinatayang nasa P408,000.00 ang halaga, buy-bust money, P2,000 bills, at cellphone.
Dakong 9:30 naman ng gabi nang masunggaban din ng mga operatiba ng SDEU si Jovert Bugna, 33 ng Candido St. matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Cunanan St., Mapulang Lupa.
Ani SUDE investigator PSSg Carlito Nerit ,Jr., narekober sa suspek ang nasa P3 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, marked money, cellphone at P400 bills.
Kaugnay nito, pinuri ni Northern Police District (NPD) PBGen. Eliseo Cruz ang Valenzuela Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni Col. Ortega dahil sa matagumpat na operasyon kontra sa ilegal na droga. (Richard Mesa)
-
Jeepney drivers umaangal sa bagong patakaran ng LTFRB
Umaangal ang mga hanay ng Public Utility Jeepney (PUJ) drivers at operators dahil sa ipinatutupad na mga bagong patakaran ng Land Transportation Franchising (LTFRB) ngayon panahon ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila. Matapos payagan na muling bumalik ang operasyon ng mga PUJs noong narakaang July 3 sa kanilang operasyon, may 30 percent […]
-
TODA Pasabuy System pinalawak ng Valenzuela at Foodpanda
PINALAWAK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang tulong pangkabuhayan sa mga tricycle drivers at operators matapos lumagda ito sa isang Memorandum of Agreement (MOA), kasama ang Food Panda Philippines Incorporated (FPPI). Sa pamamagitan ng pasabay system na itinatag sa lungsod upang mabuksan ang mga oportunidad ng pangkabuhayan para sa mga Tricycle Operator at Drivers […]
-
Mas maraming envoys, nag-courtesy visits kay Marcos
PATULOY ang pagdating ng mga diplomats para magbigay ng courtesy visits kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kabilang na rito sina United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos. Sinabi ni Thunborg na ang […]