• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JENNYLYN, kinutuban pero wala talagang idea sa pagpo-propose ni DENNIS; wish nila na magkaroon naman ng baby girl

“WE are getting married,” pahayag ng mga Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa “Chika Minute” ng 24 Oras last Friday, October 29. 

 

 

Inamin na rin ni Dennis na isang intimate at simple, but heartfelt proposal lamang ang ginawa niya.

 

 

“Wala akong idea tungkol sa proposal,” sabi ni Jen.

 

 

“Sabi lang niya bumaba ako dahil may isu-shoot kaming parang future message.”

 

 

Nagkaroon daw ng kutob si Jen nang magsimulang magsalita si Dennis at seryoso siyang kinakausap nito.

 

 

“Nang nagsalita na siya, naiiyak na ako, kasi ngayon ko lang siya nakita ganung ka-intense, ka-serious. Tapos lumuhod, nagulat ako, pahayag pa ng Kapuso actress.

 

 

Ginawa raw ni Dennis ang proposal sa bahay for safety reasons dahil sa condition ni Jen, hindi siya makalabas ng bahay dahil may pinagdadaanan siyang medyo maselan.

 

 

Sa tanong kay Jennylyn kung buntis siya, sagot niya, “positive ako.”  Naramdaman daw niya ang sintomas nang nagti-taping na siya ng new series niyang Love. Die. Repeat. like naging emosyonal siya, nag-acid reflux, nahihilo at delayed na ang monthly period niya.

 

 

“Sa tamang oras, na ready ka na siguro, doon siya ibibigay sa iyo,” dagdag ni Jen. “May 2 boys na kami, sana, ibigay sa amin ay baby girl.”

 

 

Seven years na together sina Jen at Dennis, kaya wait na lang tayo ng announcement kung kailan na ang wedding nila.    Congratulations!

 

 

***

 

 

HINDI totoo ang mga nasulat na nagsimula nang mag-taping sina John Lloyd Cruz at new Kapuso actress Bea Alonzo para sa teleserye nila sa ABS-CBN, nang makita silang nsgsu-shoot sa BGC sa Taguig City.

 

 

Balitang sa ngayon daw ay wala pang liwanag kung matutuloy ang serye nina JLC at Bea, kaya ang pinagkakaabalahan muna ngayon ni Bea ngayon ay ang pagsu-shoot ng mga TV Commercials para libre na siya bago sila magsimula ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ng lock-in shooting ng Philippine adaptation ng Korean movie na A Moment To Remember for Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

 

 

Naka-schedule na ang pagsisimula nila ng shooting ng mid-November at kung kailan ito matatapos before the Christmas break.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads December 30, 2020

  • Administrasyong Marcos, prayoridad ang food security

    GAGAWIN lahat ng incoming administration ni  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang makakaya nito at pagsisikap upang matiyak ang  food security sa bansa.     Ito’y matapos magbabala ang  World Bank,  World Trade Organization,  United Nations Food and Agriculture Organization, at  World Food Programme ng  global food crisis na makaaapekto sa mahihirap at developing countries. […]

  • Number coding posibleng ibalik na – MMDA

    May posibilidad na maibalik na ang ‘number coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) dahil sa pagsikip na ng trapiko sa halos lahat ng kalsada sa Metro Manila ngayong palapit na ang Pasko at pagsailalim ng rehiyon sa mas maluwag na Alert Level 2.     Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pinag-aaralan […]