• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 alkalde na ‘no show’ kay #RollyPH pinalulutang ng DILG

PINALULUTANG ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 10 alkalde na napaulat na umanoy ‘missing in action’ sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.

 

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, 10 sa kabuuang 1,047 alkalde na ‘nawala’ noong panahon ng bagyo ang pinadalhan na nila ng ‘show cause orders’ nitong Martes upang makapagpaliwanag hinggil sa isyu.

 

“So 99% po ay nasa kanilang mga lugar upang mag supervise. Yung sampung nawala ay na iden- tify na namin at ito ay aking pagpapaliwanagin,” pahayag pa ni Año, sa isang pulong kay Pang. Rodrigo Duterte.

 

Samantala, sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na bibigyan nila ng limang araw ang mga naturang alkalde upang makapagsumite ng kanilang paliwanag sa ipinadalang show cause orders sa kanila.

 

Tumanggi pa naman muna ang mga DILG officials na pangalanan ang mga naturang nawalang alkalde habang hindi pa natatatanggap ang tugon at paliwanag ng mga ito.

 

Sinabi ni Malaya na ang mga mapapatunayang nagpabaya sa kanilang tungkulin sa panahon ng kalamidad ay maaaring maharap sa kasong administratibo sa Office of the Ombudsman.

 

Nabatid na natukoy ng DILG ang pagkawala ng mga naturang alkalde sa pamamagitan ng kanilang operations officers na nakaistasyon sa bawat local government unit (LGU).

 

Sinabi ni Año na habang paparating pa lang ang bagyo ay itinaas na ng DILG ang warnings at naglabas din sila ng checklist na dapat na isagawa ng mga lokal na pamahalaan.

 

Aniya, ilan sa mga ito ay nangangailangan ng presensiya ng mga alkalde, gaya na lamang ng pag-convene ng local disaster risk reduction and management council sa kanilang lugar, dahil ang alkalde lamang aniya ang maaaring magsagawa nito.

 

Una nang pinagsabihan ng DILG ang mga alkalde at mga gobernador ng mga lalawigan na dapat na nasa kani-kanila silang mga lokalidad na kanilang pinamumunuan bago o sa kasagsagan ng kalamidad at maging sa pagkatapos nito.

 

Binigyang diin ng DILG chief, bilang lider ng local disaster risk reduction and management councils, dapat aniyang personal na pamunuan ng mga alkalde ang paghahanda at pagsasagawa ng aksiyon upang mapigilan ang anumang posibleng pinsalang hatid ng bagyo at iba pang kalamidad sa kanilang nasasakupan.

Other News
  • DAVID, nagbiro na matagal nang inaaya si JULIE ANNE; loveteam posibleng mauwi sa totohanan

    KINIKILIG ang mga fans at mga netizens na tagasubaybay ng romance-drama series na Heartful Cafe ng bagong GMA Network’s love team na sina  Julie Anne San Jose at David Licauco.      Napapansin na raw kasi na hindi na acting ang kilig na ipinapakita nina Julie at David, minsan daw ay parang hindi na scripted […]

  • Fernando, Castro, sinelyuhan ang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo sa Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 SP

    LUNGSOD NG MALOLOS- Parehong nangako sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kahapon.   […]

  • Ex-Gilas Pilipinas player Matt Nieto pumirma ng 3-taon na kontrata sa NLEX

    NAKUHA na ng NLEX Road Warriors si dating Gilas Pilipinas player Matt Nieto.     Ayon sa NLEX mayroong tatlong taon na kontrata ito sa nasabing koponan.     Isinagawa ang pagkuha nila kay Nieto matapos na kunin ng Rain or Shine Elasto Painters ang kambal nito na si Mike.     Magugunitang pinakawalan na […]