• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9.6 milyong kabataan target mabakunahan

Inaasinta ng Department of Health (DOH) na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 9.6 milyong kabataan na kabilang sa 12-17 age group bago matapos ang taon.

 

 

Kaugnay ito ng anunsyo ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mag-uumpisa na ang vaccination sa naturang age group kahit walang comorbidities sa Metro Manila sa Nobyembre 3 at sa buong bansa sa Nobyembre 5.

 

 

Sinabi pa ng opisyal na ang 9.6 milyon ay katumbas ng 80 porsyento ng 12 milyong kabataan na kabilang sa naturang age group sa buong bansa.

 

 

Layunin ng pagpapalawak ng pediatric vaccination na mahikayat pa ang ibang miyembro ng pamilya na magpabakuna na rin at makabalik na ang mga bata sa ‘face-to-face classes’.

 

 

“We are hoping that with children’s vaccination ay i-increase ang pagbabakuna ng ating mga lolo, mga lola, mga A2 (senior citizen). Initially may feeling na ‘Wag na kami mga anak na lang namin,’” ani Cabotaje.

 

 

“Now that the children are okay, baka maengganyo rin ang buong pamilya magpabakuna,” dagdag pa niya.

 

 

Maaari na rin naman aniyang magsimula sa pagbabakuna ng mga kabataan ang mga lugar na handa na para dito kasabay ng mga siyudad sa Metro Manila. (Daris Jose)

Other News
  • NBA All-Stars 2021 maraming mga pagbabagong ipinatupad

    Magiging kakaiba ngayong taon ang NBA All-Star Game dahil sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic.     Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na limitado ang naimbitahang manood sa laro na gaganapin ngayong araw sa State Farm Arena sa Atlanta.     Bukod kasi sa All-Star weekend ay ginawa na lamang itong isang araw kung […]

  • De Los Santos hakot ng 3 golds

    “It’s raining golds” ang bumungad para kay World No. 1 Orencio James De Los Santos sa araw ng Martes nang kumana ito ng tatlong sunud-sunod na gintong medalya sa hiwa-hiwalay na torneo.   Tunay na humanga sa galing ng Pinoy karateka ang mga hurado matapos nitong ilatag ang kanyang world-class performance sa E-Karate Games 2020 […]

  • Melanie Griffith, may asim pa sa edad na 63 sa suot ng pink lingerie

    KINASAL na ba sina Lovely Abella at ang kanyang fiance na si Benj Manalo?   Sa recent guesting nila Lovely at Benj sa programang Tunay na Buhay, may mga pagbabago na raw sa wedding plans nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Na-engage ang dalawa noong June 2019. Original plan nilang magpakasal sa January 2021. […]