• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos dumating ang halos 1-M doses pa na Pfizer sa PH

Nakatanggap muli ang bansa ng nasa halos isang milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa kompanyang Pfizer.

 

 

Pasado alas-8:00 kagabi ng dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 976,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

 

 

Aabot na sa mahigit 100-million na COVID-19 vaccine ang kabuuang natanggap na ng gobyerno.

 

 

Sinalubong ito ni vaccine czar Carlito Galvez Jr at ilang mga opisyal ng Department of Health.

 

 

Sa nasabing bilang ay posibleng mapataas na ang dami ng mga mababakunahan sa bawat araw.

 

 

Sa buwan pa kasi ng Nobyembre ay inaasahan ang pagdating ng karagdagang 25 milyong doses ng COVID-19 vaccines. (Daris Jose)

Other News
  • Blinken nagpaabot ng pakikiramay sa 2 napatay na journalist ng Fox News

    NAGPAABOT ng pakikiramay si US Secretary of State Antony Blinken sa pagkasawi ng dalawang journalist ng FOX News.     Napatay ang 55-anyos Irish national na si Pierre Zakrzewski at 24-anyos Ukrainian na si Oleksandra Kuvshinova ng paulanan ng mga Russian forces ang sasakyan nila sa labas ng Kyiv.     Sinabi ni Blinken na […]

  • Utang ng Pilipinas lalo pang tumaas; pumalo na sa P12.09-T – Bureau of Treasury

    LALONG sumipa ang pagkakautang ng Pilipinas sa halos P12.1 trilyon sa pagtatapos ng Pebrero 2022 sa pagtaas ng foreign at local borrowings at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.     Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury matapos itong lumagpas sa higit P12 trilyon sa kauna-unahang pagkakataon noong Enero.     Kung hahatiin, […]

  • Mas maunlad na ekonomiya, asahan sa Alert Level 1

    NANINIWALA  si Taguig Mayor Lino Cayetano na sa paglalagay sa Alert Level 1 sa Metro Manila ay hindi lamang new normal ang dapat asahan, kundi ang mas mainam na kinabukasan para sa ekonomiya.     Maibabalik aniya, ang buhay ng ekonomiya, kahit hindi naman agad-agad basta magtiwala lamang ang mga kababayan, Dapat aniya, na maging […]