• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021.

 

Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List.

 

Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green List na kinabibilangan ng Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Chad, China (Mainland), Comoros, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.

 

Ang lahat ng mg bansa/ jurisdictions/territories na hindi nabanggit ay nasa ilalim ng Yellow List.

 

Sa kaugnay na usapin, pinalawig ng IATF sa Yellow List ang limitadong international transit hub operations na nauna nang inaprubahan para sa mga bansa/territories/jurisdictions sa Green List.

 

Gayunman, ang operasyon nay dapat na limitado sa airside transfers sa pagitan ng Terminals 1 at 2, at sa loob ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

 

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang paglikha o pagbuo ng sub-Technical Working Group na pamumunuan ng Department of Transportation (DOTr) na babalangkas at magpapanukala ng special pilot testing at quarantine protocols para sa mga Filipino, balikbayans, at kanilang pamilya na magmumula sa Green at Yellow Lists.

 

Inaprubahan din ang rekumendasyon ng DOTr para sa unti-unting pagtaas ng passenger capacity sa public transportation para sa road-based at rail transportation na bumabagtas sa Kalakhang Maynila at kalapit- lalawigan mula 70% ay magiging full capacity simula Nobyembre 4, 2021. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, kinlaro sa publiko na hindi lahat ay masasaklaw ng libreng bakuna sa COVID -19

    NILINAW ng Malakanyang na hindi libre sa lahat ang bakuna sa COVID 19 at ito’y sa sandaling may maangkat na ang pamahalaan na vaccine kontra sa virus.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga pinakamahihirap lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa […]

  • Serbisyong pangkalusugan gawing digital – Citizen Watch Philippines

    Nanawagan ang isang consumer group para sa digital transformation ng health care sector upang mapunan ang malaking patlang sa paghahatid ng medical services sa mga mamamayang Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa isang pahayag, sinabi ng Citizen Watch Philippines na ang “digital transformation” o ang paglipat sa online ng mga serbisyong pangkalusugan ng Philippine […]

  • Ilang Pinoy boxers, malaki ang tyansang sumikat sa pagreretiro ni Pacquiao

    Pinawi ni dating 2-division world boxing champion Gerry Penalosa ang pangamba ng ilan na baka maputol na ang Pilipinas sa mapa ng boxing dahil sa pagreretiro ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.     Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, mas madali nang sumikat ngayon ang mga Filipino boxers dahil sa nalikhang popularidad […]