• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinlaro sa publiko na hindi lahat ay masasaklaw ng libreng bakuna sa COVID -19

NILINAW ng Malakanyang na hindi libre sa lahat ang bakuna sa COVID 19 at ito’y sa sandaling may maangkat na ang pamahalaan na vaccine kontra sa virus.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga pinakamahihirap lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa free vaccination.

 

Ang panigurado ayon kay Sec. Roque, para sa lahat ang gagawing pag-angkat at hindi lang para sa mga mahihirap.

 

“Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may- kaya naman po ay makakabili rin ‘no. So iyong ating mga hakbang na ginagawa ay para nga po mag- angkat hindi lang para sa pinakamahirap, kung hindi para sa lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, handa ang pamahalaan kahit ngayong taong ito na makabili ng bakuna sa corona virus gamit ang uutangin sa Landbank at Development Bank of the Philippines.

 

Pero kung sakali aniyang naririyan na ang 2021 budget, inihayag ni Roque na duon na lang posibleng hugutin ang para sa vaccine procurement at hindi na kinakailangan pang mangutang sa bangko ng gobyerno.

 

“Oo, humingi rin po tayo ‘no kasi naman ang ating ginawa ay kapag lumabas na, dapat may pera. Kasi kung hindi naman gumawa ng paraan ang Presidente, kung ngayong tao ay pupuwede nang bumili at wala pang budget for 2021, eh di hindi tayo makakabili at wala namang ganiyang budget po doon sa current budget ng 2020. So kumbaga, laging handa po tayo ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kung sumipa na po ang 2021 budget, kukunin po natin doon; hindi na kinakailangang mangutang sa bangko ‘no. Pero kung sumipa po ngayon na mayroon ng vaccine ngayong taong ito, handa rin po tayong bumili,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • 86 DAGDAG NA SKILLED WORKERS SA NAVOTAS

    NADAGDAGAN pa ang mga skilled workers ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng virtual graduation ng 86 trainees mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.     Sa 86, 17 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Automotive Servicing,16 ang Electrical Installation and Maintenance habang 35 trainees naman ang […]

  • 100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

    NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.     Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.     “Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na […]

  • Aminadong magiging spoiler na lola: SYLVIA, super excited na sa pagdating ng kanilang ‘little Boss’

    SOBRANG excited na ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa paglabas ng panganay na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.       Aminado naman ang aktres na baka raw maging spoiler siyang lola.       Ibinahagi nga ni Ibyang sa kanyang social media accounts ang ilan sa kaganapan sa Hong Kong […]