Estratehiyang gagamitin sa vaccination rollout para sa pediatric population, aprubado ng IATF – Roque
- Published on November 2, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 ang inirekomendang estratehiya ang vaccination rollout para sa nalalabing pediatric population para makamit ang vaccination rate na 80% ng target population sa Disyembre 2021.
In-adopt naman ng IATF ang rekomendasyon ukol sa VaxCertPH, kabilang na ang opening requests para sa COVID-19 digital vaccination certificates para sa domestic use.
Ang lahat ng local government units (LGUs) na walang electronic vaccine administration systems ay required na i- adopt at gamitin ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Vaccine Administration System (DVAS) para sa recording at databasing ng lahat ng vaccination information.
Inatasan naman ang DICT na magbigay ng dalawang beses isang linggo na updates hinggil sa regional status ng submission compliance ng vaccination data sa Vaccine Information Management System (VIMS) central database, habang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay inatasan naman na ulitin ang national memorandum sa lahat ng LGUs hinggil sa kahalagahan ng pagsusumite ng vaccination data sa VIMS central database.
“Indoor certification/qualifying examinations of testing centers were also recognized by the IATF as specialty exams that are allowed under the Guidelines on the Implementation of Alert Levels System for COVID-19 Response in Pilot Areas, except in areas under Alert Level 5, provided all workers and employees of these testing centers and their examinees are fully vaccinated against COVID-19, there is compliance with prescribed venue capacity, and the minimum public health standards are maintained,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
At sa huli, inaprubahan ng IATF ang inamiyendahang guidelines o alituntunin sa Alert Levels System for COVID-19 Response sa Pilot Areas na may kaugnayan sa operasyon ng mga hotels at accommodation establishments, at mga pagbabago sa rules na io-obserba para sa pagba-validate ng vaccination status sa IATF Resolution No. 144-A. (Daris Jose)
-
P 1.5 SMUGGLED SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD
NASABAT ng Phililippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang P1.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa baybayin ng Bangas Island at Jolo Island sa Sulu. Ayon sa PCG, inaresto rin ang tatlong crew na sakay ng “junkong” type motorbanca nang magsagawa ng regular na coastal security patrol ang Coast Guard Station Sulu. Hindi […]
-
Walong guro ang magtatagisan sa pag-awit: Dr. CARL at Direk CATHY, nag-team up sa ‘Gimme a Break: Teachers Edition”
SINA Dr. Carl E. Balita at Cathy Garcia-Sampana ay bumuo ng isang partnership na magpapakita ng husay sa pagkanta ng mga guro sa pamamagitan ng “Gimme a Break: Teachers Edition.” Ang “Gimme a Break” ay isang talent search competition na naglalayong tumuklas ng mga bagong talento na magniningning sa kani-kanilang kakayahan. Si Dr. Carl E. […]
-
PBBM, nakikita ang progreso sa “fishing talks” sa pagitan ng Pinas at China
MAY nakikitang progreso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “fishing talks” sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng kamakailan lamang na ulat na may isang Chinese navy vessel ang bumubuntot sa BRP Francisco Dagohoy mula Pag-asa Island at pabalik ng Palawan. Ang nasabing insidente ay nangyari noong Biyernes, June 16,2023. […]