• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PARTIDO NI BBM NAGLUNSAD NG ‘BEST BET’ STRATEGY PARA SA OFWs

Nitong Martes, naglunsad ng isang pangmatagalang plano ang partido ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang mapagbuti ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga migranteng Pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

 

Iprinisenta ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) International Affairs Committee na pinamumunuan nila Chairperson Ms. Saidah Tabao Pukunum sa pamamagitan ni President Jeremy Henry Amar at Secretary-General Atty. Henry Capela ang Strategic Plan Vision 2028 for OFW kay PFP Secretary-General Tom Lantion at PFP General Counsel Atty. George Briones sa isang pagpupulong sa kanilang tanggapan sa Maynila.

 

Binuo ang komite upang isulong at kilalanin ang kontribusyon ng mga OFWs bilang mahalagang sektor sa lipunan at ipatupad ang mga programa ayon sa vision ng standard-bearer ng partido na si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos’, Jr.

 

Nabatid ng komite na karamihan sa mga OFWs ay kadalasang nagtatrabaho sa mga lugar na hindi katanggap-tanggap ang kundisyon, dumaranas ng pagkabalisa dahil sa matagal na pagkawalay sa kanilang pamilya at napipilitang isakripisyo ang oras na dapat ay para sa kanilang pamilya upang kumita.

 

Plano ng komite na ipatupad ang isang policy framework na may tatlong bahagi at inaasahang bubuo at magdedevop ng mga programang magagamit sa loob ng anim na taon.

 

Nakapaloob sa framework na ito ang pagtalaga ng isang task force na magsasagawa ng mga pag-aaral upang makabuo ng mga policy recommendation sa gobyerno. Ito rin ay inaasahang susuri sa mga kasalakuyang polisiya upang mapahusay ang serbisyo sa mga OFWs.

 

Ilan sa mga core programs nito ay ang: skills retraining katuwang ang TESDA, comprehensive benefits and retirement plan para sa mga OFWs, pagtatayo ng isang OFW hospital, health insurance, scholarship grants para sa mga OFWs, legal, mental at psychological support services, pagbuo ng mga OFW cooperatives,  pagtatayo ng OFW Bank at pagpapalakas sa mga community-based fellowship programs.

 

Pinuri ni PFP General Counsel Atty. George Briones ang binuong komprehensibong policy framework ng komite at sinabing naaayon ito sa mapagkaisang pamumuno na isinusulong ni Marcos.

 

Pinaalala rin niya sa mga miyembro ng komite na ang PFP ay maipagmamalaking partido ng pangkaraniwang tao. Dagdag pa niya ang PFP ang magdadala kay Marcos sa tagumpay sa paparating na halalan sa 2022.

 

“The PFP is a party of the common man. A party of the poor. A party of the grassroots. This is the party that will carry Senator Ferdinand Marcos Jr. to victory, “ sinabi ni Briones.

Other News
  • Infotainment show na ‘Amazing Earth’, four years na: DINGDONG, maraming natutunan at enjoy sina ZIA at SIXTO sa panonood

    MAGKASUNOD na magsi-celebrate ng kani-kanilang anniversary this Sunday, July 10, ang infotainment show na “Amazing Earth” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanilang 4th year anniversary at ang fun-filled adventure series na “Daig Kayo ng Lola Ko,” sa kanila namang 5th anniversary celebration.     Unang mapapanood ang “Amazing Earth” na sabi nga ni Dingdong, […]

  • ‘Mallari’, naghakot sa 72nd FAMAS Awards: KATHRYN, waging Best Actress at tie sina PIOLO at ALFRED sa Best Actor

    FOR  the first time, nagwagi si Kathryn Bernardo ng FAMAS Best Actress trophy para sa kanyang mahusay na performance sa “A Very Good Girl”.  Ang star-studded na 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards ay ginanap noong Linggo nang gabi sa The Manila Hotel. Naghakot naman ng six awards ang “Mallari” kasama […]

  • ‘Customers na mababa ang konsumo hanggang Dec. 31, ‘di pwedeng putulan ng kuryente’ – ERC

    INATASAN ng Energy Regulatory Commission ang mga distribution utilities tulad ng Meralco na huwag munang putulan ng kuryente ang mga customer na mababa ang naging konsumo hanggang December 31, 2020.   “Distribution Utilities (DUs) are directed NOT to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly […]