• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seven Seaport Development Projects sa Bohol, panibagong “milestone” ng Build, Build. Build program ng gobyerno-PDu30

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapasinaya ng “newly improved Port of Tagbiliran” at anim na “newly improved seaports of Bohol.”

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Seven Seaport Development Projects sa Bohol sa Port of Tagbilaran, araw ng Biyernes, sinabi nito na malaking karangalan na makasama siya sa event na ito.

 

Pinuri ng Pangulo ang DOTR at PPA sa ilalim ng liderato ni Secretary Arthur Tugade dahil sa matagumpay na pagtatapos ng mga nasabing proyekto na tanda ng panibagong milestone sa ilalim ng Build, Build. Build program.

 

“Si Tugade classmate kami, sya among valedictorian sa law school. Dili sya engineer, mas maayo siya sa mga construction. Pero bilyonaryo na ni. He’s a billionaire,” ang kuwento ng Pangulo.

 

Sinabi pa ng Pangulo na ang konstruksyon at pagkukumpuni na ginawa sa mga naturang daungan ay naglalayong payagan ang Bohol na mag- accommodate ng mas maraming tao at kalakal mula sa kalapit-lalawigan at makapag-ambag para sa pagbangon ng lalawigan mula sa pandemiya.

 

Kumpiyansa rin siya na ang mga daungan ay makapagpapalakas sa kakayahan ng Bohol bilang “catalyst” ng economic growth sa Central Visayas.

 

“All these developments support the administration’s mission to provide our people with improved mobility as well as other comfortable productive and dignified life for every Filipino,” aniya pa rin.

 

Samantala, pinuri naman ng Pangulo si Governor Art Yap at ang provincial government ng Bohol para sa matagumpay na pagpapatupad na “COVID response management plan of action.”

 

“Yawa na. .duha lang ka pages. amo lang ni? … sino nag buhat ani?,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Again, congratulations to everyone on this achievement. Mabuhay tayong lahat.” (Daris Jose)

Other News
  • Sentimyento ni FL Liza Marcos, ipinagtanggol ni PBBM

    IPINAGTANGGOL ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si First Lady Liza Marcos sa mga sentimyento at saloobin nito laban kay Vice President Sara Duterte.     Sa isang panayam sa Occidental Mindoro sinabi ng Punong Ehekutibo na hindi sanay sa pulitika ang kaniyang asawa.     Sinabi ng Pangulo na hindi kasi gaya nila na manhid […]

  • SHARON, inunahan na agad ang mga bashers na walang in-edit sa latest photo na pinost

    ILANG araw nang pinag-uusapan ang latest photo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram.     Marami talagang napa-wow at nag-react na pumayat talaga siya na kitang-kita naman sa kanyang pinost na may caption na, “Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!”     Kasama ang hashtag na #noeditinghuwaw, […]

  • RABIYA, nag-deny na break na sila ng longtime boyfriend na si NEIL, inaming crush niya si KOBE

    NAGSIMULA na ang lock-in taping nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith ng kanilang first full-length teleserye sa GMA Network last May 18, ang The World Between Us.       May mga behind-the-scene photos nina Alden at Jasmine na lumalabas posted ng photographer ng show at may mga tanong ang mga netizens, ano raw ba […]