• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCTA, HINDI NANGANGAMBA SA PANIBAGONG SURGE

HINDI nangangamba ang OCTA sa panibagong surge ngayong holiday season matapos na walang namo-monitor na panibagong ngayong  nalalapit na ang Kapaskuhan kung saan inaasahang  maglalabasan ang mga tao.

 

 

Ayon ito kay  OCTA Research  Group Fellow Dr. Guido David at sinabi na maliban sa isa na mula Delta variant o ang tinawag na sub-variant na sinasabing sampung porsyento na mas nakakahawa ay wala nang iba pa na nakikitang panibagong variant.

 

 

Ayon kay David, marami na rin ang nababakunahan partikular sa National Capital Region (NCR) pero paalala nito na dapat makasabay ang mga nasa probinsya kung saan mataas  ang vaccine hesitancy ng mga tao.

 

 

Bagama’t wala silang namo-monitor na posibleng surge ng COVID-19 sa ngayon, ang publiko ay dapat pa ring magpatuloy sa contact tracing, testing, quarantine at isolation.

 

 

Dapat ding patuloy ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standard upang maiwasan ang posible pang hawaan ng naturang sakit

 

 

Dagdag pa nito hanggat maari ay iwasan rin ang mass gathering at panatilihin ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing para tuluyang bumaba ang kaso ng Covid sa bansa.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • Alyssa Valdez matindi ang determinasyong makabalik sa paglalaro

    Matindi ang pagnanais ni Alyssa Valdez na makabalik sa wastong porma sa lalong madaling panahon para makasabak sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa February at sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa May.   Siniguro ng 29-anyos, 5’9’ ang taas na dalagang outside hitter ng Creamline sa kanyang mga tagahanga na ginagawa […]

  • Mister isinelda sa pangmomolestiya sa live-in partner ng anak

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang contractor matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa live-in partner ng kanyang anak sa Navotas City,  ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilala lang sa alyas “Rudy”, 44-anyos, contractor at residente ng Brgy. NBBS Proper.     Sa report ni PCpl Myra […]

  • Mahigit 144,000 minors na edad 15-17-yrs. old target na mabakunahan sa MM

    Mayroong 144,131 na mga minors na may edad 15-17-anyos ang target sa pilot pediatric COVID vaccination sa Metro Manila.     Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na ang nasabing bilang ay pawang mga mayroong comorbidities.     rograma mula Oktubre 22-31 sa mga LGU based hospital na mayroong […]