• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barangay captain sa Caloocan pinagbabaril todas, asawa sugatan

NASAWI ang isang incumbent barangay captain habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Gerardo Ragos Apostol, 56, Kapitan ng Barangay 143 at residente ng 55 Malolos Avenue, Bagong Barrio habang ginagamot naman ang kanyang misis na si Evelyn, 56, sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi tama ng sa kanang bukung-bukong.

 

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon P/Cpl. Anthony Wanawan, habang nakaupo si Chairman Ragos sa harap ng Apostol Rice and Egg Store na pag-aari nila sa Malolos Avenue, Brgy. 143, nang dumating ang isang motorsiklo dakong alas-6:12 ng gabi at pumarada sa harap ng tindahan.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Emelda Decierra, 68, store helper, isa sa mga suspek ang bumaba sa motorsiklo at paulit-ulit na pinagbabaril ang biktima sa katawan.

 

 

Tinangka namang yakapin ng asawa ng biktima ang kanyang mister subalit, binaril din sya ng suspek sa kanang bukung-bukong bago mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Kabilang sa tinitignan ilang anggulo ng pulisya na posible umanong motibo sa pagpatay ay politika at personal na alitan habang patuloy naman ang follow-up operation upang matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • BIG-SCREEN SPECTACLE “WONKA,” IS “THE PERFECT CHRISTMAS MOVIE,” SAYS DIRECTOR PAUL KING

    WHEN director Paul King, known for the family-favorite Paddington movies, was a child, one of the first books he read was Charlie and the Chocolate Factory by beloved children’s book author Roald Dahl.  “I loved Charlie and the Chocolate Factory,” says King. “I read it again and again until the pages fell out of the cover. I remember loving the […]

  • Celtics inagaw ang No. 1 seed sa East

    SA ISANG  iglap ay napasakamay ng Celtics ang No. 1 spot sa Eastern Conference.     Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at nag­lista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Boston (47-28) sa 134-112 pagdakma sa Minnesota Timberwolves (43-33).     Ito ang ikaanim na sunod na arangkada […]

  • May makahulugang Holy Week message: JULIA, nangakong mas magiging malapit pa sa Diyos

    NOONG Holy Wednesday, nag-post ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa kanyang social media account ng isang makabuluhang mensahe na para din sa lahat ng makababasa.     Makikita sa IG post ng aktres na malapit na malapit sa puso ni Coco Martin, ang isang larawan na parang altar na may mga nakapatong na […]