• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, nag-hire ng 3,200 learning support aides (LSAs)

NAG-HIRE o tumanggap ang Department of Education (DepEd) ng 3,200 learning support aides (LSAs) para tulungan ang mga estudyante na walang magulang o guardians na mangangasiwa sa kanilang pag-aaral sa kanilang tahanan.

 

Sinabi ni Education Undersecretary Jesus Mateo na nag-hire ang mga eskuwelahan ng LSAs na nakatira sa komunidad kung saan sila nagtuturo upang maiwasan ang pagkilos habang binabawasan ang panganib na mapakalat ang bagong coronavirus.

 

“Ang kinukuha po natin ay iyong mga taong nandito sa community para ma-prevent iyong pag-transmit ng COVID,” ang pahayag nito sa Laging Handa briefing.

 

Sa bilang na 3,200 LSAs na tinanggap sa 5 rehiyon, tinatayang 2,000 ang nakatanggap na ng kanilang sahod mula sa DepEd habang ang natitirang bilang ay binayaran ng local government units ng komunidad kung saan sila nagtuturo.

 

Ani Mateo, wala namang target figure ang DepEd pagdating sa LSAs na iha-hire nito lalo pa’t nakadepende ito sa pangangailangan ng mga paaralan.

 

“Depende po iyan doon sa magiging kailangan ng paaralan para matugunan iyong pangangailangan ng mga mag- aaral,” anito.

 

Sa kabilang dako, pinayagan ng DepEd ang pagtanggap ng LSAs dahil batid nito na hindi lahat ng households ay mayroong adult o matanda na may kakayahan na tulungan ang mga estudyante na nag-aaral sa bahay ngayong school year matapos na ipagbawal ang in- person classes.

 

Idinagdag pa ni Mateo, na nag- hire ang DepEd ng 1,421 teachers mula sa private schools na apektado ng pandemiya.

 

Mula sa nasabing pigura, 1,391 ang na-absorbed ng DepEd bilang regular teachers habang ang natitira naman ay binayaran ng LGUs. (Daris Jose)

Other News
  • Manibela muling nagbanta ng strike

    MULING  nagbanta ang grupong Manibela ng isang muling malawakang welga kapag hindi tumupad ang pamahalaan sa pangako nito na kanilang bibigyan ng pansin ang mga hinaing ng mga drivers at operators ng public utility jeepneys (PUJs).     Ito ang bantang binitiwan ni Manibela president Mar Valbuena. Ayon sa kanya ay nagkaron sila ng hindi […]

  • Jarencio may tagubilin sa magiging UST coach

    HANGGANG presstime nitong Huwebes ng hapon, nananatiling wala pang kapalit sa nagbitiw at naban na si Aldin Ayo para sa coach ng University of Santo Tomas men’s basketball team Growling Tigers para sa 83 rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2020-21.   Kaya magpanggang ngayon hulaann pa rin kung sa magiging bagong bench […]

  • Pinay karateka Junna Tsukii tiwalang makapasok sa Tokyo Olympics

    Magtutungo sa Istanbul, Turkey si Japan-based Filipina karateka Junna Tsukii para sa qualifying tournament sa Tokyo Olympics.     Lalahok ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Premier League tournament na magsisimula sa March 11.     Umaasa ito na makapasok sa top 4 sa Olympic ranking system para tuloy-tuloy na ang pagsabak sa […]