CHRISTIAN LAGAHIT, inalala na naging biktima rin ng racial discrimination na ‘di na-experience sa ‘Squid Game’
- Published on November 4, 2021
- by @peoplesbalita
MINSAN na raw naging biktima ng racial discrimination ang Pinoy actor sa hit Korean series na Squid Game na si Christian Lagahit.
Kahit na raw lumalabas siya sa ilang Korean movies at TV series, hindi raw maiiwasan na meron pa ring mag-discriminate sa kanya dahil sa pagiging Filipino niya.
Sa naging interview ni Lagahit sa Asian Boss, binalikan ni Lagahit ang naging experience niya nang may isang babae na bigla na lang siyang binato ng repolyo sa mukha.
Kuwento ni Lagahit, sumakay daw siya ng isang village bus na medyo puno na kaya tumayo na lang siya sa likuran ng bus. Bigla na lang daw may nambato sa kanya ng repolyo at nasapol siya sa mukha.
Nakita raw niya na isang Korean woman na may edad na 50 ang nambato sa kanya. Agad daw niyang tinanong ang babae kung bakit siya binato nito?
“The hardest part was no one is paying attention to me. Everyone was there. There’s a lot of people inside,” sey ni Lagahit na walang nakuhang sagot mula sa babae.
Wala raw nagawa si Lagahit kundi ang bumaba na lamang ng bus at maghintay ng susunod na bus.
Iba naman daw ang experience niya sa mga Koreans na katrabaho niya sa Squid Game. Mababait daw ang mga ito at wala siyang naranasan na diskriminasyon habang nagsu-shoot sila ng naturang series.
***
HANDA na ang Kapuso teen stars na sina Bryce Eusebio at Dayara Shane na um-attend ng face-to-face classes dahil miss na raw nilang makipag-interact sa kapwa nila estudyante.
Sa Zoom medicon ng I Left My Heart in Sorsogon, sinabi nina Bryce at Danaya na mas gusto raw nila na nasa regular school sila dahil wala raw challenge ang online classes sa maraming kaedad nila.
Sey ni Bryce: “Nakakatamad po kapag online classes. You lose focus kasi minsan po may nakaka-distract sa iyo. Mas gusto ko pa rin po yung nasa classroom. I miss being with my friends at miss ko na rin yung mga activities sa school. Since vaccinated na po ako ng first dose, magiging protektado na ako.”
Sey naman ni Danaya: “Marami pong students na nahihirapan sa online classes. Yung iba po walang signal kaya wala po silang access to attend online classes. I prefer face-to-face classes kasi iba pa rin po yung may teachers at may interaction tayo with other students.”
Parehong nasa Grade 10 sina Bryce at Danaya na gumaganap bilang young Richard Yap at young Heart Evangelista sa I Left My Heart in Sorsogon.
***
HINDI lang pala singing contests ang sinalihan ng The Clash season 2 finalist at Whistle Diva na si Jennifer Maravilla, kundi pati beauty pageant ay sinalihan niya.
Naging representative si Jennifer ng Malabon sa Face of Tourism Philippines noong 2019. Naranasan daw niyang rumampa sa entablado na naka-swimwear at evening gown.
Pero wala na raw balak si Jennifer na subukan pa ulit ang beauty pageants dahil ang singing at acting na raw ang focus niya. Kasama nga siya sa cast ng I Left My Heart In Sorsogon sa GMA.
“Sinubukan ko lang yung pagsali ng pageants. And nagawa ko naman kaya I am putting it all behind me.
“Kahit na sabihin nating gusto ko pang sumali, hindi rin siguro puwede na because of my age (26 years old). Tsaka ang daming preparations kapag sumali ka ng pageant. Parang mahihirapan na rin ako,” diin pa niya.
Kaya dinadaan na lang daw ni Jennifer sa pag-post ng bikini pics sa social media.
May kakaibang alindog si Jennifer kaya meron pa ring nanghihikayat sa kanya na sumali ng pageant, kabilang na ang co-star niya at former Miss Maja Pilipinas 1992 na si Marina Benipayo.
“Nakakuwentuhan ko po si Ms. Marina at hanga ako sa kanya kasi kilos beauty queen pa rin siya. She’s giving me tips and words of encouragement if ever maisipan kong sumali ulit ng pageant.
“Pero masaya na po ako sa ginagawa ko ngayon. At least, kahit minsan nasubukan kong sumali sa isang beauty pageant,” sey ni Jennifer.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Ads October 24, 2020
-
Pinakamababang reproduction number sa NCR, naitala
Nakapagtala na ang National Capital Region (NCR) ng 0.55 reproduction number na siyang pinakamababa mula noong Mayo, ayon sa OCTA Research Group kahapon. Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na noong Mayo 18, nakapagtala ang rehiyon ng 0.58 reproduction number saka nagtuluy-tuloy sa pagtaas. Ang reproduction number ay ang bilang […]
-
Nagluluksa ngayon sa biglaang pagpanaw: BILLY, nag-sorry sa ama dahil ‘di man lang nakita at nakausap
KINUMPIRMA ng “The Voice Kids Philippines” coach na si Billy Crawford ang malungkot na balita noong Linggo, Sept. 22. Sa pamamagitan ng kanyang social media, ibinahagi ni Billy sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama na si Jack Crawford na nakatira sa Texas, USA. Wala pang ibinigay na detalye si Billy tungkol sa dahilan […]