DILG kuntento sa performance ng mga LGUs sa pagtugon sa kalamidad
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
KUNTENTO si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging performance ng mga local government units sa kanilang disaster preparedness and response operations.
Ayon kay Año natuto na ang mga LGUs at ginagawa na ng mga ito ang kanilang mga trabaho lalo na kapag may mga natural disasters gaya ng Bagyo.
niya, 90 percent ng mga local government officials ay nasa kani- kanilang mga lalawigan nuong kasagsagan ng Bagyong Rolly bukod na lamang sa 10 opisyal na wala sa kanilang mga lugar.
Sinabi ni Año kaniyang pagpapaliwanagin ang 10 opisyal.
Umaasa ang kalihim na magtuloy-tuloy ang magandang performance ng mga LGUs.
Ang mababang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa Supertyphoon Rolly ay dahil sa isinagawang preemptive evacuation lalo na duon sa mga tinaguriang danger zones.
Binigyang-diin naman ng kalihim na ang kanilang pakatutukan sa ngayon ay kung paano mapanatili ang komunikasyon sa mga lugar ba apektado ng bagyo. (Ara Romero)
-
Mens football team mas gumanda na ang performance
IPINAGMALAKI ni Philippine men’s national football team head coach Albert Capellas na nagkaroong ng magandang pagbabago na ang koponan. Kasunod ito sa pagkamit ng koponan ng bronze medal sa katatapos King’s Cup sa Thailand. Sa nasabing torneo kasi ay tinalo nila ang Tajikistan 3-0 para makapasok sa ikatlong puwesto. […]
-
Ads March 5, 2024
-
P150K shabu nasamsam sa Malabon drug bust, 4 timbog
MAHIGIT P150K halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City. Ayon kay Malabon chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa […]