• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Underground powerlines at communications cables, kailangan sa mga typhoon-prone sa bansa

AYON kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, upang maprotekatahan mula sa malalakas na hangin dala ng bagyo o kalamidad ay dapat na ibaon sa lupa ang kable ng kuryente at komunikasyon.

 

Dapat ding ipasa ang mga panukalang batas ukol sa pagmodernisa o pag-update sa national building code at national land use policy.

 

Karamihan aniya sa mga siyudad, bayan, buildings, at kabahayan ay hindi matatag laban sa mga bagyo, baha at lindol.

 

“Sawang-sawa na ang milyung-milyong Pilipino sa epekto ng mga kalamidad, pero wala naman tayong ginagawang permanenteng solusyon, kaya paulit-ulit tayong nagpe-penitensiya tuwing may kalamidad,” anang mambabatas.

 

Ang kailangan aniya ay mga bagong typhoon-resilient designs na mga bahay at buildings at pagpasa ng importanteng mga panukalang batas ukol sa land use management policy at National Building Code. (Ara Romero)

Other News
  • PDU30, tinanggigan ang alok na drug czar post sa ilalim ng administrasyong Marcos

    TINANGGIHAN ni Outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang alok na magsilbi siyang drug czar ng kanyang successor na si  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     “The last offer that I saw was to head the, to become the drug czar. Pero tinanggihan niya na iyon eh,” ayon kay acting Palace spokesperson Martin Andanar  nang […]

  • Senate probe sa phaseout ng traditional jeepneys, gumulong na

    TATALAKAYIN  sa Senado ang resolusyon tungkol sa pagpapaliban sa nakatakdang phaseout ng traditional jeepneys sa Hunyo 30.     Itinakda ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe ang pagdinig dakong ala-1:30 ng hapon.     Bukod sa jeepney phaseout at PUV modernization program ay layon din ng pagdinig na pigilan […]

  • Presyo ng tinapay posibleng tumaas sa mga susunod na linggo

    POSIBLENG sa mga susunod na mga linggo magkakaroon na ng mga paggalaw sa presyo ng mga tinapay.     Ayon kay Luisito Chavez ang director ng Assosasyon ng Panaderong Pilipino, na ito ay dahil sa ilang paggalaw din sa presyo ng mga sangkap na paggawa ng mga tinapay.     Isa sa tinukoy nito ay […]