• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, malapit na sa target na bakunahan ang 50% ng populasyon- PDu30

“On track” ang Pilipinas na makamit ang target nito na bakunahan ang 50% ng general population bago matapos ang taon.

 

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Miyerkules ng umaga ang tagumpay ng pamahalaan na makamit ang nilalayon nito na makapagturok ng 55 milyong doses ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine noong Oktubre.

 

Para sa Pangulo, ang tagumpay ng pinaigting na vaccination drive ng gobyerno ay dahil sa delivery ng Covid-19 vaccines na “came in droves.”

 

“I am happy to report that we exceeded our target of 55 million doses to be administered in October,” ayon sa Pangulo.

 

“As of Tuesday, a total of 60,406,424 Covid-19 vaccine shots have been administered nationwide, according to the government’s National Covid-19 Vaccination Dashboard uploaded on the official website of the Department of Health,” ayon sa ulat.

 

Tinatayang 27,749,809 indibidwal ang fully vaccinated, habang 32,656,615 iba pa ay nakatanggap naman ng kanilang first vaccine jab.

 

Kumpiyansa naman si Pangulong Duterte na makakamit ng gobyerno ang population protection bago matapos ang taon.

 

“Around 35.5 percent of the target population have already been fully vaccinated which puts us well on our way to achieving the target of at least 50 percent by the end of the year,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • PH, China balik- ‘negotiating table’ para sa nabiting proyekto

    BALIK -negotiating table ang China  at Pilipinas para sa pagpopondo ng ilang  infrastructure projects matapos isiwalat ni Transport Undersecretary for Railways Cesar Chavez na “withdrawn” na ang mga ito dahil sa kawalan ng aksyon ng Beijing ukol sa pagpopondo na hiniling ng nakalipas na administrasyon.     Kaagad namang nagbigay ng paglilinaw ang  Chinese Embassy […]

  • Panawagan sa GMA, bigyan ng show ang dalawang aktres…

    DINGDONG & MARIAN at BEA & DOMINIC, nakita na ring magkasama sa isang event     FOR the first time nagkasama na rin sa isang event sina Marian Rivera at Bea Alonzo.           Naganap nga ito last twosday (02-22-2022) sa exhibit ng sikat na celebrity photographer na si Mark Nicdao na malapit sa […]

  • UFC star Gilbert Burns, gumaling na mula sa COVID-19

    Gumaling na mula sa coronavirus si UFC star Gilbert Burns.   Isinagawa ang pagsusuri sa kaniya matapos ang dalawang linggo ng ito ay magpositibo sa COVID-19.   Nagpost pa ang 34-anyos na UFC star ng test resutl nito sa kaniyang social media account.   Magugunitang tinanggal siya sa laban kay Kamaru Usman matapos magpositibo at […]