• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EU, kinondena ang pagpatay sa Davao journalist

KINONDENA ng European Union Delegation sa Maynila ang pagpatay kay Davao del Sur journalist Orlando “Dondon” Dinoy na binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa loob mismo ng kanyang boarding house  kamakalawa ng gabi.

 

Si Dinoy ay residente ng  Bansalan, Davao Del Sur at reporter ng Newsline.Ph at block time anchor sa Energy FM Digos.

 

Sa isang kalatas, pinuri naman ng delegasyon ang mabilis na aksyon ng gobyerno upang matiyak na mapananagot ang mga responsable sa pagkamatay ng nasabing reporter.

 

“Free media is at the heart of democracy. We condemn the killing of journalist Orlando Dinoy and commend (the) government’s prompt action to bring justice. EU stands by & protects journalists,” ayon sa kalatas.

 

Sinabi naman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente.

 

Sinabi ni Undersecretary Joel Sy Egco, PTFoMS Executive Director, na kaagad na pinakilos ng task force ang mga ahente nito sa pamamagitan nina Atty. Perry Solis at investigation head Col. Rechie Duldulao, nang maiulat sa kanila ang nabanggit na kaso.

 

“Regardless of the motive, we will work doubly hard to get the killer of Dondon Dinoy, a member of the Mindanao Independent Press Council that’s an active partner of PTFoMS,” ayon kay Egco.

 

“Rest assured, whether official or personal in nature, we will leave no stone unturned in punishing her killer. Dondon is a member of the LGBT community and was not hard-hitting. In fact, he had no known enemies,” dagdag na pahayag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • BSP nagbabala sa ibinebentang P20 coins sa internet

    NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na kailanman ay hindi sila nag-isyu nang tinatawag na Brilliant Uncirculated P20 peso coins.   Ginawa ng BSP ang paalala dahil na rin sa pagkalat sa internet o online seller na nag-aanunsiyo sa ibinebentang Brilliant Uncirculated P20 peso coins.   Ayon sa BSP ang P20-peso new […]

  • Magnitude 5.9 na lindol niyanig Mindoro, ramdam hanggang Metro Manila

    BINULAGA nang malakas-lakas na magnitude 5.9 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon ayon sa Phivolcs, bagay na nangyari ilang oras matapos ianunsyo ang 2023 Bar Exam results.     Bandang 4:23 p.m. kahapon nang yanigin ng lindol ang epicenter ng Lubang, Occidental Mindoro.     Nagtala ang Phivolcs ng iba’t-ibang intensity sa maraming bahagi […]

  • MAIMPLUWENSYANG ONE CEBU IBINIGAY ANG SUPORTA KAY BBM

    HALOS tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa Mayo 9, pormal nang inindorso ng pinakamalaking political party sa Cebu province na One Cebu (1-Cebu) ang kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Martes ng hapon.     “One Cebu Party has the honor of announcing its decision to endorse the presidential bid […]