• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holder ng 5, 10 years-valid na driver’s license kailangang sumailalim pa rin sa periodic medical exams – LTO

Kailangan pa rin sumailalim sa periodic medical exams ng mga holders ng driver’s license na mayroong lima o 10 taon na validity, ayon kay Land Transportation Office chief Assistant Secretary Edgar Galvante.

 

 

Paraan na rin aniya ito upang sa gayon ay matiyak na fit to drive pa rin ang mga motorista makalipas ang ilang taon nang makuha nila ang kanilang driver’s license.

 

 

Kung ang hawak na lisensya ng isang motorista ay valid sa loob ng limang taon, ang best schedule aniya para sa medical exam ay tatlong taon matapos na makakuha ng lisensya.

 

 

Para naman sa 10 taon ang validity ng driver’s license, maariing gawin aniya ang medical exam sa 3rd, 5th, at 7th year.

 

 

Iginiit ni Galvante na ang pamamaraan na ito ay para na rin sa kaligtasan hindi lamang ng mga motorista kundi maging ang kanilang mga sakay na pasahero.

 

 

Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng opisina ng LTO sa buong bansa ay magsisimula nang magbigay ng lisensya na valid sa loob ng 10 taon simula sa Disyembre. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Pinoy na binitay sa KSA

    NAGPAABOT nang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ng Filipino na binitay sa Kingdom of Saudi Arabia.   Sinabi ng Pangulo na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng posibleng legal remedies para iapela ang desisyon ng Saudi Arabia.   Tiniyak naman nito sa mga naulilang pamilya na tutulong ang gobyerno para maibalik […]

  • Mga netizen iba-iba reaksyon kay Laure

    MAGKAKAIBA ang opinyon ng mga netizen sa social media matapos ibunyag nina University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Ennajie ‘EJ Laure ng University of Santo Tomas  Golden Tigresses  at actor-dancer Rogel Kyle ‘Bugoy’ Cariño, Jr. ang kanilang anak.   Isang pagbati ang pinost ng 23-anyos at may taas na 5-9 […]

  • ‘Dry season,’ nagsimula na sa PH’ – Pagasa

    TULUYAN nang humina ang northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa Pilipinas mula sa Siberia at China.     Kasabay nito ang paglakas naman ng mas mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko.     Ayon kay Pagasa Administrator Vicente Malano, hudyat na rin ito ng pagsisimula sa bansa ng “dry […]