Mga netizen iba-iba reaksyon kay Laure
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
MAGKAKAIBA ang opinyon ng mga netizen sa social media matapos ibunyag nina University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Ennajie ‘EJ Laure ng University of Santo Tomas Golden Tigresses at actor-dancer Rogel Kyle ‘Bugoy’ Cariño, Jr. ang kanilang anak.
Isang pagbati ang pinost ng 23-anyos at may taas na 5-9 sa kaarawan na volleybelle sa kanyang 18-taong gulang 5-3 ang taas na partner sa Twitter sa nakaraang linggo, at ipinakilala pa ang kanilang baby girl na nagngangalang Scarlet.
“Happy birthday, Mahal. Thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby Scarlet! We love you so much, daddy! @iambugoy_carino” tweet ni Laure na kinatwiran noong 2018 ang ‘di paglalaro sa USTE’y injury ang sanhi at hindi ang katotohanan nang pagbubuntis sa noo’y toto’y pang kinakasama.
May mga bumanat at nagdepensa sa sikat na balibolista na kapatid ng balibolista rin ng nasabing pamantasan na si Ejiya ‘Eya’ at ang ama’y dating Philippine Basketball Associoation (PBA) player na si Eddie.
“Super deny in all levels biglang amin hahaha kaloka,” tirade ni halfbloodprince (@badgetheexplor1).
Hirit ni Samant si Snnyrub (2alevar23): “Happy & proud of you more @ennajielauree. You deserve a happy family w/ a cutie baby scarlet. May God continue to bless ur family.” (REC)
-
DFA, ipinatawag ang Chinese envoy dahil sa ‘illegal incursion’ ng navy ship sa Sulu Sea
IPINATAWAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese ambassador Huang Xilian dahil sa “illegal incursion” at “lingering presence” ng Chinese navy vessel sa Sulu Sea. Sa isang kalatas, inanunsyo ng DFA na ipinatawag ni acting Undersecretary Ma.Theresa Lazaro si Huang matapos na pumasok nang walang pahintulot sa Philippine waters ang People’s Liberation […]
-
3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela
PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw. Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya […]
-
Australian gov’t nagpatupad ng national emergency sa 2 estado nito dahil sa malawakang pagbaha
IDINEKLARA ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang national emergency ang dalawang estado nito dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na pag-ulan. Umabot na kasi sa 20 katao ang nasawi sa matinding pagbaha sa New South Wales (NSW) at Queensland. Maraming kabahayan na rin ang nalubog sa baha kung saan […]