• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, kinukunsidera ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections

KINUMPIRMA ng Malakanyang na kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.

 

Nauna na kasing nabanggit ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na kinukunsidera ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador para patuloy siyang (Pangulo) na makapagtrabaho para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.

 

“As far as I know, wala pa pong final na desisyon but as Sen. Bong Go said, he is considering it,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“He is considering; pinag-aaralan niyang mabuti. Kung makakatulong ba sa bayan…he might. Kino-consider n’ya po ‘yung pagtakbo,” ayon naman kay Go sa isang panayam.

 

Tinitingnan aniya ng Pangulo ang bilang at tinitimbang ang mga dahilan bago pa siya tuluyang magdesisyon kung tatakbo nga ba o hindi sa pagka-senador.

 

“Siyempre tinitingnan din niya ‘yung slate ng administration ng PDP-Laban. Kung makakatulong siya na mas maraming mananalo sa part ng administration, iyon ang kino-consider,” ani Go.

 

Napaulat na hinikayat ng ruling party PDP-Laban Cusi wing si Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador matapos na umatras na tumakbo bilang bise-presidente sa dahilang nais na niyang magpahinga sa politika.

 

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Go na nakatakdang magpulong ang PDP-Laban officials bago ang Nobyembre 15 para isapinal ang kanilang mga kandidato para sa eleksyon sa susunod na taon.

 

Giit naman ni Go na hindi na magbabago ang kanyang isip na tumakbo bilang bise-presidente.

 

Samantala, tiniyak naman ni Go na patuloy na magta-trabaho si Pangulong Duterte para i-promote at protektahan ang kapakanan ng mga mamamayang Filipino.

 

“Sa mga kababayan natin, asahan n’yo po na kung sakaling magdesisyon po ang ating Pangulo na tumakbo bilang senador, asahan n’yo po uunahin niya siyempre kung papaano siya makakatulong at makapagpatuloy na makapagserbisyo sa ating mga kababayan at paano niya maisusulong at ipagpatuloy ‘yung mga programang naumpisahan na po niya na hindi pa po natatapos… gusto niya pong tapusin,” ayon kay Go.

 

“Importante po sa kanya ngayon is malampasan muna natin itong pandemya, itong krisis na ating kinakaharap, at makakatawid na po tayo sa ating normal na pamumuhay,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 8, 2020

  • LeBron James posibleng makapaglaro na laban sa Boston Celtics

    Posibleng makabalik na sa paglalaro si NBA star LeBron James matapos ang abdominal injury nito.     Inaasahan kasi ng Los Angeles Lakers na makakasama na nila si James para sa pagbisita nila sa Boston Celtics.     Itinuturing na mahalaga na makasama nila ang 17-time All-Star sa itinuturing nilang basketball rivalry sa kasaysayan ng […]

  • Inamin na kinabahan sa una nilang eksena: KEN, pinangarap talaga na makatrabaho si GABBY

    DREAM come true para kay Ken Chan na makatrabaho si Gabby Eigenmann. “Nakaka-message ko po si Kuya Gabby, sinasabi ko po lagi, ‘Sana makatrabaho po kita, Kuya Gabby!” “Kasi pangarap ko talaga siyang makatrabaho po,” kuwento ni Ken. At sa pamamagitan ng pelikulang ‘Papa Mascot’ ay natupad ang pangarap ni Ken dahil isa si Gabby […]