• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang kaso ng Kappa variant natukoy sa Pinas

Nakarating na sa Pilipinas ang unang kaso ng COVID-19 Kappa va­riant o B.1.617.1 na isang lalaking pasyente mula sa Pampanga, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang unang kaso ng B.1.617.1 variant sa bansa na isang local case, isang 32-anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga.

 

 

Magaling naman na umano ang pasyente at nagkaroon lamang ng mild na sintomas ng sakit.

 

 

Nakolekta ang sample nito noong Hunyo 2, 2021 pa, kung kailan ang B.1.617.1 variant ay itinuturing pa lamang na variant of interest.  Pero simula noong Setyembre 20, ang naturang variant ay itinuturing na bilang ‘variant under monitoring’ ng World Health Organization (WHO).

 

 

Tiniyak naman ni Vergeire na masusi nilang iimbestigahan ang natu­rang kaso upang makakuha pa ng dagdag na impormasyon kung paano nakarating ito sa Pilipinas.

 

 

Ang Kappa variant ay nagmula sa lineage na kahalintulad ng sa Delta variant at unang natukoy sa India noong Oktubre 2020. (Daris Jose)

Other News
  • Malaking karangalan na i-celebrate ang achievements niya: Fil-Am singer na si H.E.R., cover girl ng VOGUE Philippines

    ANG Grammy and Oscar winning Filipino-American singer na si H.E.R. ang cover ng VOGUE Philippines para sa buwan na ito.       Isang malaking karangalan kay H.E.R. (Gabriella Sarmiento Wilson in real life) ang maging cover girl ng naturang magazine na sine-celebrate ang kanyang mga naging achievements sa larangan ng musika.       […]

  • 206 big ticket projects sa ilalim ng PBBM admin pinag-aaralan na – NEDA

    PINAG-AARALAN na ngayon ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang nasa 206 big ticket o high impact projects sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.     Ayon sa NEDA gagawa na sila ng pinal na listahan ng mga pangunahing proyekto sa pagtatapos ng unang quarter ng 2023 kasunod ng inisyal na pagpapalabas […]

  • 2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu

    DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 […]