• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu

DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 Doon Compound Parada.

 

Nauna rito, nakatanggap ng tip mula sa kanilang pinagkakatiwalaang impormante ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa talamak umanong pagbebenta ng ilegal na droga ni Sison kung saan mistulang pila balde umano ang bumibili ng shabu sa suspek.

 

Kaagad nagsagawa ng buy- bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Renato Ramento sa bahay ni Sison sa 19 Cattleya St. Bahayang Pag-asa, Brgy. Maysan kung saan nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek ng P7,000 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula kay PCpl Dehitta kapalit ng shabu ay agad lumapit ang back up na si PSSg Samson Mansibang at PCpl Ed Shalom Abiertas saka inaresto si Sison at Evangelista.

 

Ayon kay SDEU PSSg Ana Liza Antonio, aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng 1 tunay P1,000 bill at 6 piraso boodle money, P1,300 cash at cellphone ang narekober ni PCpl Abiertas kay Sison habang nakuha cellphone naman ang nakuha ni PSSg Mansibang kay Evangelista. (Richard Mesa)

Other News
  • Gobyerno, double-time na nagta-trabaho para maging banayad ang inflation o pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin

    “Double time” ang ginagawang pagtatrabaho ng pamahalaan para maging banayad ang inflation o pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang serbisyo’t produktong binibili ng mga konsyumer sa gitna ng pabago-bagong global oil at non-oil prices.     Iniulat kasi ng Philippine Statistic Authority na pumalo sa 4.9 percent sa nakalipas na buwan ang inflation, 4.0% noong […]

  • RIDER DEDBOL SA TRAILER TRUCK

    NASAWI ang isang 33-anyos na rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw.     Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Amhangel Yaris, 33, ng sa 41 Samat St. Santo Domingo, Quezon city.   […]

  • 1st batch sana ng COVID-19 vaccines, maaantala ang pagdating sa bansa – Dizon

    Inianunsyo ng National Task Force na maaantala umano ang pagdating ng unang batch ng COVID-19 vaccines mula sa Pfizer at AstraZeneca.     Inaasahang ngayong linggo sana darating ang 117,000 doses ng bakuna at magagamit na Pebrero 15.     Sinabi ni National Task Force deputy chief implementer Vince Dizon, nagkaroon ng delay sa pagproseso […]