• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, binalaan ang mga Alkalde laban sa pagpapatigil at pagbasura sa COVID-19 face shield policy

BINALAAN ng Malakanyang ang mga Alkalde na sasalungat sa mandatory face shield policy para sa mga “crowded and enclosed spaces.”

 

Ang polisiya ay nananatiling epektibo maliban na lamang kapag sinabi na ng pandemic task force na tigilan na ang paggamit ng face shield.

 

Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipatigil ng Lungsod ng Davao, Manila, Iloilo, at iba pa ang polisiya sa labas ng hospital setting.

 

“Ang desisyon po ng IATF ay desisyon din ng Presidente. So ang desisyon po ngayon ay kailangan ipatupad muna ang mga face shields habang pinagaaralan po,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Mayors are under the supervision of the President. Let us follow the chain of command,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, tinintahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 42 o ang Non-Mandatory Wearing of Face Shield sa lungsod ng Maynila.

 

Maliban lamang sa mga hospital, medical clinic, at iba pang medical facilities.

 

Ang nasabing kautusan ay agad na ipatutupad ngayong araw sa buong lungsod kung saan agad ding ipadadala ang kopya sa bawat establisimyento.

 

Napagdesisyonan ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila base na rin sa mga guidelines na una nang ipinalabas ng Inter- Agency Task Force (IATF) partikular ang pagpapatupad ng Alert Level 2 system sa National Capital Region (NCR).

 

Isa din dito ang naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año kung saan sinabi mismo ng kalihim na karamihan sa mga miyembro ng IATF ay pabor na huwag nang magsuot pa ng face shield.

 

Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benjamin Abalos na nagkaisa ang Metro Manila mayors na gawing opsyonal na lamang ang paggamit ng face shield.

 

Humirit naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeireng isa pang linggo para pag-aralan kung dapat na ngang alisin ang face shield requirement sa gitna ng mababang bilang ng COVID-19 cases.  (Daris Jose)

Other News
  • Ilang mga NBA players posibleng hindi na makasali sa Olympics dahil sa COVID-19 pandemic

    Hindi pa matiyak ni Golden State Warriors coach Steve Kerr kung mayroong mga NBA players na maglalaro sa Tokyo Olympics.   Sinabi ni Kerr na tatayo bilang assistant coach ni Gregg Popovich ng USA Basketball Team, na wala itong idea kung paano ang takbo ng nasabing torneo.   Dagdag pa nito na wala pa kasi […]

  • Poverty rate sa PH, target na maibaba sa 9% sa katapusan ng termino ng Marcos administration – DOF chief

    TARGET na maibaba ang poverty rate sa bansa sa katapusan ng termino ng Marcos administration sa taong 2028.     Pagsisiwalat ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na ang naturang layunin ay bahagi ng medium-term fiscal consolidation framework ng ahensiya na iprinisenta sa unang Cabinet meeting ng pangulo.     Hindi lamang daw […]

  • Clarkson lalaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

    MAS  malakas na koponan ang ipaparada ng Gilas Pilipinas sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan.     Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach at Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Chot Reyes kung saan malaki aniya ang posibilidad na maglaro si Filipino-American Jordan Clarkson. […]