• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang mga NBA players posibleng hindi na makasali sa Olympics dahil sa COVID-19 pandemic

Hindi pa matiyak ni Golden State Warriors coach Steve Kerr kung mayroong mga NBA players na maglalaro sa Tokyo Olympics.

 

Sinabi ni Kerr na tatayo bilang assistant coach ni Gregg Popovich ng USA Basketball Team, na wala itong idea kung paano ang takbo ng nasabing torneo.

 

Dagdag pa nito na wala pa kasi silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics.

 

Isa ang US sa walong koponan na naka-qualified na sa 12-team men’s tournament sa Tokyo Olympics.

 

Noon kasing 2016 Rio Olympics ay mayroong 46 na NBA players ang sumali mula sa mga bansang kanilang-pinagmulan subalit pinangangambahan ngayon ng marami na baka mabawasan na ito dahil sa pangamba sa coronavirus pandemic.

 

Nauna rito nagpasya ang organizers ng Tokyo Olympics na gawing simple na lamang ang mga laro matapos na ito ay mailipat mula sa Hulyo 2020 ay gagawin na lamang ito sa 2021.

Other News
  • LRMC magbibigay ng libreng shuttle service sa pasahero ng LRT1

    MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1).   Ayon sa LRMC, ang pilot implementation ng libreng shuttle service ay magaganap sa pagitan ng estasyon ng LRT 1 EDSA at Manila Bay ASEANA area kung saan magkakaron ng mga designated loading […]

  • Hidilyn natuto na ng leksyon sa paghawak ng cash incentives

    Inamin ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na hindi niya nahawakan nang tama ang mga natanggap na cash incentives matapos buhatin ang silver medal noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.     Halos P10 milyon ang natanggap na insentibo ni Diaz matapos kunin ang silver medal noong 2016 Olympics.     Sa […]

  • Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam

    Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng  gabi.     Kinilala nina PNP chief,  General Guillermo Eleazar  ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan  at Jayvee De Guzman o […]