CURFEW SA ADULTS INALIS NA SA NAVOTAS
- Published on November 11, 2021
- by @peoplesbalita
INALIS na ng Navotas ang curfew nito para sa mga adult kasunod ng ipinapatupad na General Community Quarantine alert level 2 sa Metro Manila.
Pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na nagpapawalang bisa sa 12:00 MN – 4:00 AM curfew sa lungsod, alinsunod sa Metro Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 21-25 Series of 2021.
“Now that more businesses are open and operational hours of malls, restaurants and other establishments are extended, we need to make the necessary changes to support our working constituents,” saad ni Tiangco.
Gayunman, muling ipinatupad ng Navotas ang 10:00 PM – 4:00 AM discipline hours para sa mga menor de edad sa bisa ng City Ordinance No. 2021-60 at may kaukulang parusa sa mga lalabag sa disciplinary hours.
Sa una at ikalawang beses na pagkasala, kailangang dumalo sa counseling sessions ng mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at ang kanilang mga magulang o guardians ay kailangang kumpletuhin ang 24 at 48 oras na community service.
Para sa ikatlo at kasunod na mga paglabag, ang menor de edad ay ibibigay sa Social Services Development Department (SSDD) para sa kinakailangang pagpapayo at tamang disposisyon.
Sa kaso ng mga menor de edad na nakatira sa ibang mga lungsod, gagawin din ang pagpapayo bago ibigay sa kani-kanilang BCPC o SSDD. (Richard Mesa)
-
Dagdag sa mga achievements ng 2015 Miss Universe: PIA, proud at puwedeng ipagsigawan na NYC marathon finisher
NADAGDAGAN na naman ang achievements ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil certified NYC Marathon finisher na siya. Kaya naman happy and proud siya na pinakita ang kanyang medalya. “I did it! We did it! 🥹,” panimula ni Queen P sa kanyang IG post. “The NYC Marathon wasn’t a race, it was […]
-
Turista kailangang magpakita ng negative COVID-19 test results
Kailangan muling magpakita ng negatibong COVID-19 test results ng mga turista bago makapasok sa destinasyong probinsya dahil sa hindi pa nakapagpapalabas ng pinal na polisiya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ukol sa mga ‘fully-vaccinated’ na. Kabaligtaran ito ng unang inihayag ng pamahalaan na kailangan na lamang ipakita ang ‘vaccination […]
-
Ads September 5, 2020