• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, wala pa ring napipisil na susunod na PNP chief

HANGGANG sa kasalukuyan ay wala pa ring napipisil si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) na magiging kapalit ni outgoing police chief Gen. Guillermo Eleazar.

 

“Wala pa po. Ako naman po ang tagapag-anunsiyo kung meron man. So sa akin po manggagaling ang impormasyon na iyan ,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin kung may napili na si Pangulong Duterte na kapalit ni Eleazar.

 

Nauna rito, sinabi ni Local Government Secretary Eduardo Año na may limang PNP officials ang nasa shortlist ng mga kandidato bilang susunod na “top cop” ng bansa.

 

Tumanggi naman si Año na isiwalat ang pagkakakilanlan ng mga police officials na ito, subalit binigyang diin na “seniority, merit, and service reputation” ang naging grounds niya kaya nagkaroon ng shortlist ng mga kandidato.

 

Naisumite na niya kay Pangulong Duterte ang listahan noong Nobyembre 2.

 

Ani Sec. Roque, nais ni Pangulong Duterte na ang susunod na PNP chief ay mayroong “loyalty and competence” para ipatupad ang batas sa bansa.

 

“Napakataas ng standards ng Presidente para po sa PNP chief. At nakikita niyo naman kung paano ang naging serbisyo ni PNP chief Eleazar. Kinakailangan po merong katapatan, meron siyang napatunayang kakayahang ipatupad ang mga batas ng ating bansa lalung-lalo na sa taon na tayo po’y magkakaroon ng eleksyon,” aniya pa rin.

 

Nakatakdang magretiro sa serbisyo si Eleazar bilang ika-26 na hepe ng Pambansang Pulisya matapos ang mahigit tatlong dekadang karera bilang Pulis ng Bayan.

 

Sa Nobyembre 13 ay maabot na ni Eleazar ang mandatory retirement age na 56.

 

Samantala, ang mga posibleng contenders para sa PNP chief ay kinabibilangan nina Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, deputy chief for administration; Lt. Gen. Ephraim Dickson, deputy chief for operations; at Lt. Gen. Dionardo Carlos, chief of the directorial staff.(Daris Jose)

Other News
  • Private hospitals naghahanda na sa Omicron

    Naghahanda na ­ngayon ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAP) sa posibleng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 na maaaring idulot ng Omicron variant.     Sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng PHAP, na tinitiyak nila ngayon na may sapat na suplay ng oxygen at bakanteng higaan ngayong labis […]

  • 6 na malalaking proyekto ng pamahalaan, inaprubahan sa pulong sa Malakanyang

    UMAABOT sa anim na malalaking proyekto ng pamahalaan ang inaprubahan sa ginanap na National Economic and Development Authority (NEDA) board meeting sa Malacanang.     Kabilang dito ang P11.42 billion Philippine Fisheries and Coastal Resiliency o FISHCORE project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).     Layunin nitong paghusayin ang pangangasiwa ng fishery […]

  • Pamumuhunan na inaprubahan ng Board of Investments, tumaas ng 11%

    NAGBIGAY  nang malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023.     Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang […]