COVID-19 vaccination para makakuha ng Christmas bonus, legal- Roque
- Published on November 11, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na “legal” kung ire-require ang COVID-19 vaccination sa mga empleyado para makakuha ng kanilang Christmas bonus.
Tinukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang polisiya ng Cebu City government na magbibigay ng P20,000 Christmas bonus sa bawat empleyado gaya ng inanunsyo ni Acting Mayor Michael Rama, kung saan dapat lamang ay fully vaccinated ang mga ito laban sa COVID-19.
“Wala po akong nakikitang pagkakamali diyan kasi Christmas bonus po ang pinag-uusapan. Hindi naman po requirement ng batas na magbigay ng Christmas bonus ,” ayon kay Sec. Roque.
“What our laws require for government workers is provision of 13th and 14th month pay. Granting Christmas bonus is discretionary, and as such, requiring a COVID-19 vaccine for that as an incentive is allowed,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Gayundin, sinabi ni Sec. Roque na ang naging panukala ng Metro Manila Council na imandato ang COVID-19 vaccination para sa mga nagtitinda sa Christmas bazaars ay katanggap-tanggap din.
“Mandating COVID-19 vaccine among their ranks is a matter of general welfare. This is a valid exercise of [the state’s] police power,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Unvaccinated vs COVID-19 puwede pa ring bumiyahe pero bawal sa pampublikong transportasyon – DOTr exec
NILINAW ng Department of Transportation (DOTr) na walang direktiba silang inilalabas na pumipigil sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na bumiyahe. Ayon kay DOTr Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra, maari pa rin namang makabiyahe ang mga unvaccinated persons gamit ang ibang pamamaraan. Sa mga pampublikong transportasyon lamang kasi […]
-
Five months ginawa ang pinupuring gown na isinuot: HEART, ‘di kataka-taka na itinanghal na Female Sparkle of the Night sa ‘GMA Gala 2023’
NAPA-EMOTE o napatanong si Pokwang sa kanyang Facebook account. May kinalaman pa rin ito sa nag-viral na issue ni Lea Salonga sa Pinoy fans na gustong magpa-picture sa kanya sa dressing room sa Broadway. Nag-reply kami sa naging FB post ni Pokwang na, “valid question” naman ang kanyang tanong. Sabi nga niya, love naman niya […]
-
Eala muling nabigo sa torneo sa China
NABIGO si Filipina tennsi star Alex Eala sa Ningbo Open sa China. Ito ay matapos na talunin siya ni Priscilla Hon ng Australia sa score na 4-6, 3-6 sa unang round ng qualifying matches. Nadomina ni Hon ang laban kung saan mayroon itong kabuuang siyam na aces sa buong matches. […]