MARIAN, hoping na mabibigyan pa sila ni DINGDONG ng isang pang anak kahit happy na kina ZIA at ZIGGY
- Published on November 11, 2021
- by @peoplesbalita
KAPUSO royalties, Dingdong Dantes and Marian Rivera are ready to have a third child.
Sa isang interview, sinagot ni Marian ang tanong na ito ng, “kung ano ang ibigay sa amin ng Panginoon, tatanggapin namin.”
“Para sa amin ni Dong, ang dalawa ay okay sa amin, pero kung pagpapalain at bibigyan kami ng pagkakataon, why not,” sagot ni Marian.
“Sa totoo lang, I am hoping for one last child. Kung bibigyan ulit, thank you na binigyan Niya ulit kami, pero kung dalawa lang talaga, sobrang thank you na sa dalawang anak namin.”
Thankful din si Marian na kahit working from home siya, nagagawa pa rin niyang fruitful ang mga days niya with their kids, lalo na kung may work si Dingdong.
Masaya raw siyang mas marami siyang time na natututukan niyang mabuti sina Zia at Ziggy, at natutulungan niyang mag-explore ang mga anak nila with other kids.
At kapag pareho silang may free time ni Dingdong, nagagawan nila ng paraan na makalabas sila for a vacation, like nang ginawa nila kamakailan lang, na nag-enjoy sila for a weekend beach vacation.
Ngayon ay abala rin si Marian sa pagti-tape niya ng mga spiels para sa mga new episodes ng docu-drama series ng GMA na Tadhana, na nagsi-celebrate sila ngayon ng 4th year anniversary nito.
Labis-labis ang pasasalamat ni Marian sa mga televiewers na patuloy silang sinasamahan sa bawat episodes nito tuwing Sababo ng hapon.
***
NOT this year, but next year na malamang ituloy ng newly weds Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang honeymoon.
Wala namang problem dahil pareho na silang tapos ng kani-kanilang serye sa GMA-7.
Napapanood na ngayon ang daily primetime series ni Carla with Rocco Nacino and Max Collins, ang To Have And To Hold at malapit na rin muling mapanood ang season two ng The World Between Us ni Tom with Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa GMA Telebabad this November.
Sa interview kina Tom at Carla sa Chika Minute ng 24 Oras, definitely ay out of the country ang balak nilang honeymoon.
“Kasi ang tagal na rin naming hindi nakapag-travel together. Kaya we decided to go away naman, pero hindi pa this year, hopefully next year,” sabi ni Carla.
“Ako na ang bahala dun,” sagot naman ni Tom. “Ayaw kong mag-worry ka kaya ako na ang mag-aasikaso nun. Checklist mo lang ang kailangan ko.”
Ayon pa sa mag-asawa, ready na rin silang magkaroon ng baby.
***
MARAMI nang excited na televiewers, especially ang mga fans ni Kapuso Queen of Creative Collaboration Heart Evangelista, sa world premiere ng bago nitong serye sa GMA Network, ang I Left My Heart in Sorsogon.
First team-up ito ni Heart at ng new Kapuso leading man na si Richard Yap at ang muling pagtatambal nila ni Paolo Contis after ten years, pero ngayon ay magka-love team pa sila. First team-up din ito ng young stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.
Ang isang inaabangan ng netizens ay ang halos sa buong serye ay ipakikita nila ang kagandahan ng Sorsogon na sasabayan pa ng magandang theme song titled “Our Love” na isang composition ni The Clash finalist Garret Bolden.
Mapapanood na simula sa Monday, November 15, ang I Left My Heart in Sorsogon sa GMA-7 after ng 24 Oras.
(NORA V. CALDERON)
-
Dwayne Johnson Reveals First Look at Krypto for ‘DC League of Super-Pets’
DWAYNE Johnson reveals the first look at Krypto the Superdog in a video announcement for the animated DC League of Super-Pets film. Based on the DC Comics team of the same name, the film will center on the pets of some of the most iconic heroes led by Krypto as they form their own crime-fighting team […]
-
In seismic shift, Warner Bros. to stream all 2021 films
In the most seismic shift by a Hollywood studio yet during the pandemic, Warner Bros. Pictures on Thursday announced that all of its 2021 film slate — including a new “Matrix” movie, “Godzilla vs. Kong” and the Lin-Manuel Miranda adaptation “In the Heights” — will stream on HBO Max at the same time the films […]
-
LOCKDOWN SA MAYNILA, PINAGHAHANDAAN
NAGHAHANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang posibleng pagpapatupad ng lockdown sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa. Nagpatawag ng emergency meeting si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at iba pang local government health officials […]