Comelec umaasang mailagay ang PH sa Alert Level 1 bago pa man ang May 9, 2022 elections
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na maibaba na sa Alert Level 1 ang quarantine restrictions sa bansa bago pa man ang May 9, 2022 national at local elections.
Sa pagdinig ng House committee on suffrage and electoral reforms, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na mahirap isagawa ang 2022 polls sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ay kahit pa ibaba na aniya sa 800 ang bilang ng botante sa bawat voting precincts bilang hakbang upang sa gayon ay maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao salig na rin sa minimum health protocols na itinakda ng pamahalaan.
Sinabi ito ni Casquejo kasunod na rin ng isinagawang voting simulation ng Comelec noong nakaraang buwan.
Sa naturang simulation, natukoy na humaba ang oras na kailangan igugol ng isang indibidwal para sa buong proseso ng pagboto.
Ito ay dahil na rin sa mga inilatag na minimum health protocols na kailangan pagdaanan ng isang botante bago pa man ito tuluyang makaboto hanggang sa paglabas nito sa kanyang voting precint. (Daris Jose)
-
DepEd, hinikayat ang student-athletes na mag- apply para sa NAS scholarship
HINIKAYAT ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones ang mga kabataan mula sa iba’t ibang sektor na mag-apply para sa scholarship sa National Academy of Sports (NAS) para ma-improve o maging mahusay pang lalo ang kanilang academic at sports skills. “I am urging all the student-athletes from all sectors of the society, including indigenous […]
-
Istriktong ipatupad ang indoor at transport face mask rule
PINAALALAHANAN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos Jr. ang mga local government units (LGUs) na istrikto pa ring ipatupad ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas at mga pampublikong transportasyon. Ang paalala ay ginawa ni Abalos, kasabay nang pagpapahayag niya […]
-
1-year after Kobe Bryant’s death: US transportation board ilalabas ang ‘probable cause’ sa chopper crash
Nakatakdang isapubliko ng National Transportation Safety Board (NTSB) sa Amerika sa kanilang board meeting sa Feb. 9, 2021 ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa pagbagsak ng helicopter ng basketball legend na si Kobe Bryant na kasama ang anak at iba pa. Kasabay nito, maaari rin daw maglabas ang NTSB ng ilang serye ng […]