Julie Anne, tuwang-tuwa sa magandang opportunity na dumating
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
MASAYA ang fans ni Julie Anne San Jose dahil napili ang Kapuso singer and TV host na umawit ng theme song ng Netflix animated film na Over The Moon.
Ang Netflix Philippines mismo ang nag-announce na si Julie ang umawit ng “Rocket to the Moon” ang theme song cover ng Over The Moon at may music video pang ginawa si Julie.
Noong September dumating ang project kay Julie at tuwang-tuwa ito sa magandang opportunity.
“I have a friend who messaged me randomly, kinuha yung contact details ko. I gave my manager’s contact details and then after a few weeks, tinawagan ako ng management and told me Netflix reached out and invited me to be part of this project. Nagulat ako! I’m so honoured they chose me to do a cover song of ‘Rocket to the Moon’. Ang ganda talaga ng song. It’s very catchy. I find it really interesting and very dreamy and inspiring.”
Ang original na umawit ng “Rocket To The Moon” ay ang Filipino-Chinese actress Cathy Ang na nag-voice sa lead character na Fei-Fei sa naturang Netflix animation.
“I admire how the song portrayed the character build-up of Fei Fei. The first part of the lyrics was full of self-doubt, then as the song goes on, you can now feel the determination and confidence of her character. Doing the song cover of ‘Rocket to the Moon’ brought me back to the days where I was just a kid who had big dreams. Sana nabigyan ko ng justice yung song. Sana magustuhan ng mga tao,” sey pa ni Julie.
*****
HANDA na raw talikuran ng aktres na si Dionne Monsanto ang showbiz para sa tahimik na buhay sa ibang bansa.
Mukhang desidido na ang former Pinoy Big Brother housemate na tumira sa Switzerland kasama ang kanyang Swiss- Italian boyfriend na nagngangalang Ryan.
Sa isang interview kay Dione, ready na raw siya mag-settle down at napagkasunduan nila ni Ryan na sa Switzerland sila mamuhay.
“Taga roon kasi siya and I’ve been there. Tahimik at maganda ang buhay ng mga tao roon. Kaya we decided to build our life there together,” sey ni Dionne.
Matagal na nga ang relasyon nila Dionne at Ryan. Kahit na nagkaroon sila ng LDR (long distance relationship) dahil sa COVID-19 pandemic, mas lalo raw tumibay ang kanilang relasyon.
Pinost pa ni Dionne sa kanyang Instagram ang isang poem na kinompose niya para kay Ryan: “You, love & respect personified, are my first thought at daylight, and my last thought at night. Thank you for making me realize that when you truly love right, you are truly loved right.” – Excerpt from Love Right, Loved Right (Poem I wrote for Ryan)”
Napanood kamakailan si Dionne sa isang fresh episode ng Wish Ko Lang.
*****
KINSAL na ang Black Widow star na si Scarlett Johansson sa kanyang longtime fiance at Saturday Night Live comedian na si Colin Jost.
Kinumpirma via Instagram ng Meals on Wheels America na officially newlyweds na sina Scarlett at Colin.
“We’re thrilled to break the news that Scarlett Johansson and Colin Jost were married over the weekend in an intimate ceremony with their immediate family and love ones, following COVID-19 safety precautions as directed by the CDC. Their wedding wish is to help make a difference for vulnerable older adults during this difficult time by supporting @mealsonwheelsamerica.”
Na-engage sina Scarlett at Josh noong May 2019.
Twice married and divorced na si Scarlett. Una siyang kinasal sa aktor na si Ryan Reynolds noong 2008 at naghiwalay sila noong 2010. Second marriage niya ay kay Romain Dauriac in 2014 at naghiwalay sila noong 2017. May isang daughter sila named Rose.
Si Colin naman ay never pang kinasal at dati niyang nakarelasyon ang aktres na si Rashida Jones. (RUEL J. MENDOZA)
-
Pagpapaabot ng tulong sa mga stranded na pasahero dahil Bagyong Kristine pinatitiyak ni PBBM
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan, dahil sa Bagyong Kristine. Sa situation briefing sa NDRRMC, iniulat sa pangulo na nasa 5, 329 ang mga pasahero na stranded sa iba’t ibang […]
-
Filipinas, kampeon sa 2022 AFF Women’s Championship vs Thailand, 3-0
NAG-KAMPEON ang Filipinas, matapos maka-goal ng tatlong ulit sa AFF Women’s Championship laban sa Thailand. Ang unang goal ay naipasok ni Jessika Cowart sa pamamagitan ng header sa seventh minute. Ang ikalawa naman ay naipasok ni Katrina Guillou sa 20th minute ng laro. Habang ang ikatlo ay naipasok sa […]
-
Toni Gonzaga, takes lead role in PH remake of the hit Korean film ‘My Sassy Girl’
PRODUCTION company TinCan Films has announced that the 37 year-old TV host/actress Toni Gonzaga will be starring in the Philippine remake of the hit Korean RomCom film, My Sassy Girl. Last January 20, TinCan Films post on twitter: “In celebration of its 20th Anniversary, this year we will relive the classic Korean RomCom with its Philippine adaptation. […]