NCR, mananatili sa Alert level 2 hanggang katapusan ng Nobyembre
- Published on November 15, 2021
- by @peoplesbalita
MANANATILI sa Alert Level 2 ang National Capital Region, epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Bukod sa NCR, ang mga lugar ng Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Negros Oriental, Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Cebu Province at Bohol sa Region VII; Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental at Iligan City sa Region X; at Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, Davao City, Davao del Sur at Davao Oriental sa Region XI ay nasa Alert level 2 sa kaparehong petsa.
Idagdag pa, sa ilalim ng Alert Level 2, epektibo Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021 ang City of Santiago, Cagayan at Isabela sa Region II; Albay, Sorsogon, Naga City, Camarines Sur, Camarines Norte at Masbate sa Region V; Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur sa Region IX.
Sa kabilang dako, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force, na ilagay ang Catanduanes sa ilalim ng Alert Level 4 epektibo Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region at Siquijor sa Region VII ay inilagay naman sa Alert Level 3 epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Inilagay din sa ilalim ng Alert Level 3 ang Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya sa Region II at ang City of Isabela at Zamboanga City sa Region IX mula Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Samantala, nasa ilalim naman ng Alert Level 2, “effective immediately” hanggang Nobyembre 30, 2021 ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan at Ilocos Norte sa Region I; Tacloban, Southern Leyte, Samar (Western Samar), Ormoc City, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte at Biliran sa Region VIII; South Cotabato, Sarangani, General Santos City, Sultan Kudarat at Cotabato (North Cotabato) sa Region XII. (Daris Jose)
-
Graduation rites, suspendihin na muna
MAS makabubuti na isuspinde ng Department of Education (DepEd) ang graduation rites sa elementarya, sekondarya at senior high school upang maiwasang kumalat ang Coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Senador Sherwin “Win” Gatchalian. Sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, na kailangan nang suspendihin ng DepEd ang graduation rites sa buong bansa […]
-
Mandatory SIM Registration Bill, pasado na sa Senado
LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1310 o ang Mandatory SIM Registration Bill. Sa botong 20 pabor at walang tutol ay nakalusot sa pinal na pagbasa sa plenaryo ng Senado ang panukala. Binuhay at minadali ang pagpapatibay sa panukala upang mabigyang proteksyon ang publiko laban […]
-
Sec. Roque, nananatiling malusog at wala umanong anumang sintomas ng Covid-19
NANANATILING nasa maayos ang pangangatawan at walang nararamdaman na anumang sintomas ng Covid-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque. Kamakailan kasi ay nakasalamuha ni Sec. Roque ang kanyang staff na nagpositibo sa covid19. Aniya, tanging precautionary measure o pangangalaga sa katawan ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon upang masiguro na nananatiling nasa maayos na […]