Graduation rites, suspendihin na muna
- Published on March 11, 2020
- by @peoplesbalita
MAS makabubuti na isuspinde ng Department of Education (DepEd) ang graduation rites sa elementarya, sekondarya at senior high school upang maiwasang kumalat ang Coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Senador Sherwin “Win” Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, na kailangan nang suspendihin ng DepEd ang graduation rites sa buong bansa matapos ideklara ang state of public health emergency.
Nauna nang ipinanawagan ni Gatchalian na sundin ng DepEd ang rekomendasyon mula sa World Health Organization (WHO) na iwasan ang pagsa-sagawa ng public gatherings tulad ng graduation rites pero sinabi na dahil may local transmission na ng virus, kailangan nang suspendihin ang mga paparating na seremonya.
Pangkaraniwan kasing duma-dalo ang mga Overseas Filipino workers, na magulang o kaanak ng magsisipagtapos, sa graduation rites at maaaring manganib ang kaligtasan ng mga estudyante, titser at lahat ng tauhan ng paaaralan sa okasyon.
Nanawagan din si Gatchalian na kanselahin ang iba pang aktibidad o non-academic projects tulad ng field trips, film showing, at iba pang events nan itinakda ng ilang eskuwelahan bilang requirement sa graduation o completion.
Sa taong ito, inihayag ng DepEd na hindi dapat mas maaga sa Marso 30 o hihigit sa Abril 3 ang graduation sa lahat ng antas ng basic education.
Itinaas ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 Alert System tungo sa Code Red sublevel 1 kasunod ng nakumpirmang local transmissiohn at posibilidad na community transmission.
Ayon sa DOH, tugon sa ganitong estado kabilang ang masugid na contact tracing, home quarantive para sa may close contact ng COVID-19 positive patients, pinalakas na Severe Acute Respiratory Illness surveillance, at activation of laboratories sa labas ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM).
Isasagawa lamang ang community-level quarantine o lockdown kabilang ang suspensiyon ng trabaho at klase, kung mayroong “sustained community transmission” stage kapag hindi matukoy ang link sa pagdami ng bilang ng local cases.
“Huwag na nating hintayin pang magkaroon ng kumpirmadog kaso sa ating mga mag-aaral, mga magulang, guro, at iba pang mga kawani sa paaralan. Upang masiguro natin ang kanilang kaligtasan, mainam na ipagpaliban muna natin ang mga seremonya ng pagtatapos, pati ang mga mala-laking pagtitipon na maaaring magdulot ng mas malaking panganib”, ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.
Hinikayat din ni Gatchalian ang DepEd na itaas ang antas ng pagmamatyag at kahandaan sa pamamagitan ng pagmonitor ng mga taong nasa panganib at magbigay ng sapat na-interventions at treatment facilities.
“All these steps should be done in close coordination with local health officials and health care providers while classes still remain,” giit ni Gatchalian. (Daris Jose)
-
SSS, GSIS inanunsiyo pagpapalabas ng 13th month, holiday pensions
TATANGGAP na ng kanilang 13th month at December pension ang lahat ng pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa unang linggo ng December 2022. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino ang pension fund na ipalalabas ay may halagang P29.74 billion para […]
-
DOTr: EDSA busway binigyan ng P212 M budget para sa modernization
GAGASTUSAN sa darating na taon ng Department of Transportation (DOTr) ang modernization ng EDSA busway na nagkakahalaga ng P 212 million. May mga mungkahi na dapat ng ibigay sa pribadong sektor ang pangangalaga ng EDSA busway subalit walang resolusyon na inilalabas pa ang DOTr para sa pagsasapribado nito. Gagamitin […]
-
2020 democracy index result, isang patunay na buhay at gumagana ang demokrasya sa Pilipinas
HINDI maituturing na major slip ang ulat ng think tank Economist Intelligence Democracy Index 2020, na umano’y nananatili Raw na bagsak ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung titingnan ang data result ng democracy index, lumalabas na naungusan talaga ng Taiwan, Malaysia at Timor Leste ang pilipinas. […]