PDu30, nagulat sa pagtakbo ng anak na si Mayor Sara sa pagka-bise Presidente
- Published on November 15, 2021
- by @peoplesbalita
IKINAGULAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paghahain ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Bise Presidente lamang.
Sa panayam, sinabi ng Chief Executive na labis niyang ipinagtaka na number 1 sa survey si Mayor Sara subalit pumayag ito na Bise lang ang takbuhan.
Sigurado aniya ang Pangulo na ang naging pagtakbo ni Mayor Sara sa pagka-Bise ay desisyon na nila ni dating Senador Bongbong Marcos na kahit kailan ay hindi niya pinangakuang susuportahan.
Binigyang diin ng Pangulo na na kay Senador Bong Go ang kanyang buong suporta at ito ang kanyang prinsipyo.
Pag-amin ng Pangulo, naaawa siya kay Senador Go na hindi aniya napigilang maiyak sa mga naging pangyayari habang binigyang diin din ng Pangulo kung gaano naging katapat si Go sa tagal ng panahong kasama niya ito at nagserbisyo sa kanya. (Daris Jose)
-
19-yr old Carlos Alcaraz ng Spain nagtala ng kasaysayan sa pagkampeon sa US Open 2022
INILAMPASO ng 19-anyos na Spanish tennis player na si Carlos Alcaraz ang Norwegian player na si Casper Ruud sa katatapos lamang na US Grand Slam Championship game sa New York. Sa katunayan ito ang kauna-unahang Grand Slam Singles title ni Alcaraz matapos nitong matalo si Ruud sa score 6-4, 2-6, 7-6(1), 6-3. […]
-
YORME ISKO NAKALABAS NA NG OSPITAL
NAKALABAS na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ang kanyang sampung araw na quarantine. Ang alkalde ay dinala sa Sta. Ana Hospital dahil nagpositibo sa COVID-19 kung saan nakaramdam ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at pananakit ng katawan. Sa ika-limang araw nito sa ospital, nawalan ito […]
-
INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents
INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act kung saan umabot sa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. (Richard Mesa)