• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GILAS TAGILID SA THAILAND AT KOREA SA FIBA QUALIFIERS

DAHIL wala pa ring ensayo, nangangamba ang Gilas Pilipinas, na bubuin ng cadets team, sa magiging performance nila sa pagsabak sa tatlong killer games sa loob ng limang araw sa November window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain.

 

Ayon sa ulat, agad na sasagupa ang Gilas kontra sa Southeast Asian foe na Thailand at matagal ng karibal na Korea sa inilabas na iskedyul ng FIBA sa planong bubble sa Bahrain.

 

Unang sasagupain ng Gilas ang Thailand sa November 26 na magsisilbing rematch sa gold medal game na naganap sa 30th Southeast Asian Games noong isang taon.

 

Matatandaang napurnada ang FIBA qualifier na nakatakda noong Pebrero dahil sa global COVID-19 pandemic.

 

Maghaharap muli ang Gilas at Thailand sa November 30 bilang huling laro sa Bahrain bubble.

 

Hawak ng Pilipinas ang 1-0 record sa Group A matapos talunin sa iskor na 100-70 ang Indonesia sa Jakarta noong February 24.

 

Ang Gilas Pilipinas ay bubuin ng mga collegiate star at inaasahang walang PBA player na lalahok dahil kasalukuyang naglalaro sa PBA bubble sa Clark, Pampanga.

Other News
  • Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN

    NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.   Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens.   Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]

  • Ilang transmission lines sa Visayas, Mindanao na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette naibalik na – NGCP

    Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines ang ilan sa mga transmission lines na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette kamakailan.     Ayon sa NGCP, naibalik na ang mga sumusunod na transmission lines hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali:   Visayas: San Jose-Culasi 69kV Line Date/Time Out: 16 December 2021 / 9:33PM Date/Time […]

  • Duterte drug war, isinunod sa ‘Davao Death Squad’ – De Lima

    INIUGNAY ni dating senadora Leila De Lima ang “Davao Model” sa Davao Death Squad (DDS), na binuo umano ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte noong panahon na nagsisilbi siyang mayor ng Davao City.   Ang Davao model ang terminong ginamit ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa kampanya kontra droga […]