• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Casimero at Donaire, susunod na target ni Naoya matapos magwagi laban kay Moloney

NADEPENSAHAN ni Japanese boxer Naoya Inoue ang kaniyang bantamweight belt laban sa challenger na si Jason Moloney.

 

Naging susi ang matinding suntok ng 27-anyos na boksingero sa kanang kamay na nagbunsod sa pagbagsak ni Moloney sa ikapitong round.

 

Mula pa kasi sa unang round ay pinaulalanan na ng suntok ang kalaban nito.

 

Dahil sa panalo ay napanatili ng tinaguriang “Monster” ang kaniyang IBF, WBA at The RING bantamweight titles.

 

Target naman nito na makuha ang WBC at WBO ng 118 ponds belt.

 

Hinamon naman nito sina Filipino boxer Johnriel Casimero na may hawak ng WBO belt at ang sinong manalo sa pagitan nina Filipino Flash Nonito Donaire at Nordine Oubaali.

 

Magugunitang nakansela ang laban ni Casimero kay Inoue noong Abril dahil sa COVID-19 pandemic habang natalo naman si Donaire kay Inoue noong Nobyembre 2019 sa laban nila na ginanap sa Saitama, Japan.

Other News
  • Travel ban ng US sa PH, naiintindihan natin – DOT

    Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban ng US sa Pilipinas dahi sa banta pa rin ng COVID-19.     Ayon sa DOT, nais lamang ng US na protektahan ang kanilang mga mamamayan para sila ay hindi mahawaan ng COVID-19.     Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban […]

  • Carlos Yulo nagkamit ng gold medal sa Japan tournament

    Nagkamit ng gold medal si Filipino gymnast Carlos Yulo sa 2021 All-Japan Senior and Masters Gymnastics Championship sa Yamagata.     Sinabi ng kaniyang coach na si Munehiro Kugemiya na nakakuha rin ito ng bronze medal sa vault event.     Dagdag pa nito na nagtala ng 15.30 points si Yulo sa floor exercise at […]

  • GINEBRA BABALIKWAS SA GAME 2 – TENORIO

    SOBRA ang pagkadismaya ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone sa Barangay Ginebra San Miguel na tinambakan ng Meralco 104-91 sa Game 1 ng 46th Philippine Basketball Association 2021-222  Governors Cup best-of-seven Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.     Hindi na nakapalag ang Gin Kings sa Bolts nang matambakan ng 21 puntos sa laro […]