• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Relasyong Duterte-Sara , ‘May tampuhan pero nagmamahalan’- Sec. Roque

“May tampuhan, pero wala pong kaduda-duda, nagmamahalan ang mag-ama.”

 

Ito ang naging paglalarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa relasyon ng mag-amang Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte matapos na hindi magustuhan ng Chief Executive ang pagtakbo ng kanyang anak bilang bise-presidente gayong nangunguna ito sa survey sa pagka-pangulo.

 

“Family ties will prevail,” dagdag na pahayag nito.

 

“‘Yung decision nila ang ayaw ko na tatakbo siya (Sara). I am sure ‘yung pagtakbo ni Sara ay desisyon nila Bongbong [Marcos] ‘yun,”ang pahayag ni Pangulong Duterte sa isang panayam sa blogger na si Byron Cristobal para sa “Banat By.”

 

Itinuloy ni Mayor Sara ang pagtakbo sa 2022 vice presidential run, habang nag-withdraw naman si Senador Bong Go ng kanyang certificate of candidacy (COC) at naghain ng panibagong COC para sa pagka-pangulo.

 

Si Mayor Sara ay tatakbo bilang bise-presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.

 

Si Go sa kabilang dako ay tatayo naman bilang standard bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

 

Sina Mayor Sara at Go ay kapuwa naghain ng kanilang kandidatura “for vice president and president” via substitution sa kani- kanilang party-mates.  (Daris Jose)

Other News
  • Cignal stuns Creamline, zeroes in on finals

    Natigilan si Riri Meneses nang ibuka niya ang kanyang mga pakpak sa isang kilos ng pagtatagumpay at ang Cignal HD Spikers ay tumabi sa kanilang panig ng court upang ipagdiwang ang isang key 23-25, 25-23, 28-26, 25-18 tagumpay laban sa pinangarap. Creamline Cool Smashers noong Linggo bago ang malaking tao sa Linggo sa Smart Araneta […]

  • Pagbisita ni US VP Kamala Harris sa bansa, lalong magpapatatag sa Phil-US relations – Speaker Romualdez

    NANINIWALA  si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang lalakas ang relasyon ng Amerika at Pilipinas sa pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris.     Ayon kay Speaker, patunay din ito sa matagal nang alyansa at pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos kabilang na ang commitment ng US sa pagdepensa sa Pilipinas. […]

  • 6 Chinese PDL nakatakas sa kulungan muling naaresto ng QCPD

    Muling naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Tactical Motorized Unit (TMU) at Criminal Investigation Unit (CIDU) ang anim na Chinese PDL o Persons Deprived of Liberty sa ikinasang tracking operations bandang alas- 9:30 ng gabi nuong Martes June 23, 2020 malapit sa isang creek sa Mapagkumbaba St. corner Fugencio St. Brgy. Cruz […]