• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Age restrictions ng mga minors sa mall, pag-uusapan ng NCR health officials

Nakatakdang magpulong ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga Metro Manila health officials para pag-usapan ang magiging restrictions ng mga menor de edad na papapasukin sa mga mall.

 

 

Nag-ugat ang nakatakdang pagpupulong ng mga health officials sa pagpositibo ng isang dalawang taong gulang na batang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos itong ipasyal ng kanyang mga magulang sa mall.

 

 

Dahil dito, hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa mga magulang na huwag munang ipasyal ang kanilang mga menor de edad sa mga mall para hindi ma-expose sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Abalos, ipipisinta raw ng TWG ang kanilang rekomendasyon sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR) para sa kanilang approval.

 

 

Umaasa ang mga itong matatapos nila ngayong araw ang kanilang pagpupulong para bukas ay ipiprisinta na ito sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR).

 

 

Target daw ng mga alkalde na magkaroon ng uniform na ordinansa.

 

 

Una rito, sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, ipinag-utos na nito sa local government units na bumalangkas ng isang ordinasa para payagang pumasok ang mga 12-anyos pataas lamang na pumasok sa mga mall.

Other News
  • Face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum, “may happen sooner than expected” – Malakanyang

    IBINALITA ng Malakanyang na ang pilot implementation ng face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum  “may happen sooner than expected” dahil ang mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay dumarami na.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos iulat ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ang […]

  • Pagpaptupad ng solarization program, paiigtingin ng QC LGU

    UPANG maibsan ang paggamit ng mga Non-Renewable Energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa Quezon City ay palalawigin ng QC Local Government ang kanilang Solarization Program o ang paglalagay ng solar panels energy system sa lungsod.       Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng […]

  • Para talagang nagalit kaya nag-walkout: MARIAN, pinaiyak nang husto si IVANA sa ginawang prank

    ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa prank ni Marian Rivera kay Ivana Alawi kung saan napaiyak niya ito nang bonggang-bongga!     Pero bago ang tsika about that, shall we say na ang ganda-ganda ng bahay nina Marian at Dingdong Dantes at suwerte si Ivana na pumayag ang Dantes couple na sa […]