• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, hinikayat ang mga Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata

LUNGSOD NG MALOLOS – Hinikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata sa pamamagitan ng pakikiisa sa Orange Day Campaign sa Nobyembre 25, 2021 na hudyat ng pagsisimula ng “18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW)” alinsunod sa Proklamasyon 1172, T’06 mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 ng bawat taon.

 

 

Kasabay din nito ang paggunita sa “National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children” alinsunod sa Republic Act No. 10398, S’12.

 

 

Bilang pagsunod din sa Kapasyahan Blg. 094 T’18, makikibahagi ang Bulacan sa Orange Day sa pamamagitan ng paghikayat sa mga pampubliko at pribadong institusyon upang magkaisa sa kampanya na wakasan ang laganap at patuloy na karahasan sa mga kababaihan at mga bata na maipakikita sa pagsusuot ng kulay orange sa nasabing araw at tuwing ika-25 ng bawat buwan.

 

 

“Matagal na nating ipinaglalaban ang karapatan ng mga kababaihan at ng mga bata, hindi dahil sila ay mas mahina sa pisikal, kundi dahil lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan. Sama-sama po tayong magsuot ng may orange, ipakita natin ang ating paglaban sa karahasan sa mga kababaihan at sa mga bata, sama-sama nating gawing ligtas ang ating pamayanan para sa lahat,” ani Fernando.

 

 

Bukod dito, naglatag din ng mga programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Panlalawigang Komisyon para sa Kababaihan ng Bulacan (PKKB Bulacan) kabilang ang Seminar hinggil sa RA 7877 Anti Sexual Harassment kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa Nobyembre 26, Seminar sa RA 11313: Safe Spaces Act para sa Konsehong Pambayan ng Kababaihan at publiko sa pamamagitan ng FB Live Streaming sa Nobyembre 29.

 

 

Gayundin, magsasagawa sila ng online na legal na konsultasyon sa pamamagitan ng Seminar/Forum kasama si Abgd. Anicia Marquez hinggil sa Anti-VAWC Law para sa mga kababaihan ng Bulacan sa Disyembre 1 at 3, 2021.

Other News
  • Hidilyn Diaz desididong makakuha ng gold medal sa 2024 Olympics

    DESIDIDO si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na makakuha muli ng gintong medalya.     Ayon kay Pinay weightlifter na nais niyang maulit ang pagkakawagi nito gintong medalya sa papalapit na 2024 Paris Olympics.     Dagdag pa nito na gagawin niya ang lahat ng makakakaya para makuha ang nasabing medalya.     Pinayuhan din […]

  • RIDER DEDBOL SA TRAILER TRUCK

    NASAWI ang isang 33-anyos na rider matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw.     Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Amhangel Yaris, 33, ng sa 41 Samat St. Santo Domingo, Quezon city.   […]

  • 22.9 milyon benepisaryo ang mabibigyan ng ayuda sa ECQ areas

    AABOT lamang sa 22.9 million beneficiaries ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng Expanded Social Amelioration Program (SAP).   Ang mga benepisaryong ito ay nasa lugar ng nasa ng ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo.   Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na base ito sa population statistics […]