• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ni Abalos sa mga mall owners, maging istrikto sa vaccination card sa mga papasok sa kanilang establisimyento

NANAWAGAN si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. sa mga mall owners na maging istrikto sa paghahanap ng vaccination card ng mga papasok sa kanilang establisimyento lalo na ngayong malapit na ang Christmas season.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na kailangan na gawing istrikto ito at siguraduhin na ang papasok sa malls ay nakasuot ng mask.

 

“Please lang, istriktuhan pagdating dito. Itong bakuna plus mask at social distancing.. ito po ang mga bagay na magbibigay proteksyon po sa atin,” ayon kay Abalos.

 

Nakiusap din sila sa mga mall owners na i-extend ng mga ito ang kanilang oras.

 

Sa kabilang dako, patuloy naman ang ginagawang pagbabakuna ng Local Government Units (LGUs) sa mga tiangge owners, operators at sellers na bahagi aniya ng “no vaccine, no tiangge” lalo pa’t malapit na ang Kapaskuhan.

 

Sinabi ni Abalos na importante na mabakunahan ang mga owners, sellers at mga operators ng tiangge lalo pa’t seasonal lamang ito.

 

Nanggagaling pa aniya kasi sa mga lalawigan ang mga ito at kapag natapos na ang Christmas season ay mag-u-uwian na ang mga ito sa kani-kanilang probinsiya.

 

“Ito lamang ay nagpapatunay na kung titingnan natin ay talagang tinitingnang mabuti ng mga alkalde sa Metro Manila. Kung titingnan mo itong mga tiangge na ito .. walang ganitong requirement eh. and yet, talagang inunahan ko lalo na’t nanggagaling sila sa iba’t ibang dako ng Pilipinas and after the Christmas season, uuwi na po sila,” ayon kay Abalos.

 

“Sa ngayon po talagang nag-i-ikot ang ating LGUs tinitingnan. Hinigpitan pa nila. 2 vaccination. Ito’y nagpapatunay lamang na we’re not resting hanggang dulo. Bawat galaw pina-fine tune natin lahat ng mga polisiya o guidelines na inilatag ng IATF,” dagdag na pahayag ni Abalos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Panukalang pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa Kongreso

    PANUKALANG pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa kongreso upang mabawasan angpagkakasayang sa kanin at maisulong ang mas malusog na pagkain.           Bukod dito, umapela rin si Iloilo Rep. Janette Garin sa mga may-ari ng restaurants na mas piliin ang pagbebenta o paghahain ng sweet potato […]

  • Senator Bong, tinugon ang pangangailangan ng isang estudyante sa Guimaras

    SA kabila ng nararanasan nating pandemya ngayon, hindi hadlang ito sa mga television networks na magbigay sila ng mga programa para sa mga televiewers.   Kung maraming na-hook na mga netizens sa panonood ng bagong drama anthology ng GMA Entertainment Group, ang I Can See You, na pilot episode nila ng four weekly series ang […]

  • Biglaang paglabas ng mga tao, ikinabahala

    Ikinabahala ng mga awtoridad ang biglaang paglabas ng mga tao habang halos umabot sa ‘pre-pandemic level’ ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada makaraang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.     Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang nakapansin sa pagdami ng tao sa mga kalsada, sa […]