• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senator Bong, tinugon ang pangangailangan ng isang estudyante sa Guimaras

SA kabila ng nararanasan nating pandemya ngayon, hindi hadlang ito sa mga television networks na magbigay sila ng mga programa para sa mga televiewers.

 

Kung maraming na-hook na mga netizens sa panonood ng bagong drama anthology ng GMA Entertainment Group, ang I Can See You, na pilot episode nila ng four weekly series ang “Love On The Balcony” na tampok sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, na nag- trending sa nationwide Twitter, simula naman ngayong gabi, October 5, sa second week mapapanood na ang episode na “The Promise” na tampok sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves at Yasmien Kurdi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7.

 

*****

 

NATUWA naman ang mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na muli nilang mapapanood ang kanilang idolo sa rerun ng Temptation of Wife na sinasabing siyang pinakamagandang Philippine adaptation ng mga Koreanovelang ipinalabas dito.

 

Bukod kay Marian, kasama rin niya sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Rafael Rosell.

 

Ginampanan ni Marian ang role ni Angeline Santos na nagmahal sa kanyang asawa pero sinaktan lamang siya at pinagtaksilan. Plinano nina Dennis at Glaiza na patayin si Angeline at palalabasing nag-suicide ito, pero nabigo sila dahil buhay si Angeline na nagsimulang magbagong buhay bilang isang mas matapang na babaeng handang maghiganti.

 

Magsisimula nang mapanood ang rerun ng Temptation of Wife ngayong Lunes, at 11:30 a.m. bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

 

Isa pang niri-request ng mga fans ni Marian ang Carmela, na hulinh serye niya bago sila kinasal ni Dingdong Dantes.

 

*****

 

TINUGON naman ni Senator Bong Revilla ang pangangailangan ng isang batang estudyante sa Guimaras na nag-order online ng gagamitin niyang laptop para sa online learning niya, pero sa halip na laptop, bato ang laman ng box na idinileber sa bata. Nakarating naman ito sa online shopper at nabawi ng bata ang Php 24,000. Pero kailangan ng bata ang laptop dahil simula na nga ng classes nila ngayong Monday.

 

Napanood pala ni Senator Bong ang 24 Oras last Thursday evening at noon din ay nagpasabi siya sa magulang ng bata na magpapadala siya agad ng laptop na kailangan ng bata. Sigurado namang makakarating ito sa Guimaras on time sa pagsisimula ng classes ngayong Lunes.

 

Noong birthday ni Senator Bong last September 25, namigay na rin siya ng 1,500 units ng laptop na napili sa pamamagitan ng raffle.  (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Saso muling pumuwesto sa ika-50, binulsa P489K

    RESPETADONG winakasan ni Yuka Saso ang kampanya sa binirang one-under par 71  pa-even 288 sapat sa seven-way tie para sa 50th place uli at premyong $10,081 (₱489K) sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration 2021 sa  Dinah Shore Tournament Course ng Mission Hills Country Club sa […]

  • Ilang lugar sa bansa, maaari ng ideklara at isailalim sa “new normal”

    MAY ilang lugar na sa bansa ang maaari ng isailalim sa  “new normal” ngayong Oktubre.   Ito’y dahil sa zero COVID-19 transmission sa ilang bahagi ng Pilipinas.   Ang Community quarantine measures para sa buwan ng Oktubre  “will not be the same,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Posible kasing bawiin ang virus restrictions […]

  • Non-stop ang pagdating ng magagandang projects: JULIE ANNE, bongga na ang career at lucky in love pa dahil kay RAYVER

    IT seems non-stop ang success ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.       Sabi nga, bukod sa lucky in love si Julie dahil kay Rayver Cruz, very lucky rin ang Sparkle star na tumanggap ng Silver Award para sa “Limitless: A Musical Trilogy” mula sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards.   […]