• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JULIE ANNE, iwas na iwas na pag-usapan ang break-up nina RAYVER at JANINE

THANKFUL si Julie Anne San Jose sa GMA Network sa pinakahihintay na ng mga fans niya, ang second leg ng Limitless, A Musical Journey on Saturday, November 20.

 

 

“Heal” ang second leg ng concert na feature ang Visayas region at ipakikita ang mga magagandang lugar doon. Special guests ni Julie ang Cebuanang The Clash 3 champion na si Jessica Villaruvin and her co-host sa The Clash, si Rayver Cruz. 

 

 

Kung sa first leg ng concert ay tumugtog ng guitar si Julie, dito ay tutugtog siya ng piano. ‘Di niya malilimutan kung paano binuhat ng 10 tao ang piano para madala sa sandbar, na they have to race against time dahil kailangan nilang matapos ang number na iyon bago lumubog ang araw at hindi sila abutan ng high tide.

 

 

“It’s a different experience for me but I really enjoyed it,” kuwento ni Julie.

 

 

“Thankful din ako dahil nabigyan ako ng chance to travel around the country.”

 

 

The concert is under the creative direction of Paolo Valenciano and musical direction of Myke Salomon.

 

 

Meanwhile, iwas na iwas si Julie na pag-usapan ang break-up nina Rayver at Janine Gutierrez. Like a brother daw sa kanya si Rayver at mataas naman ang pagkakilala niya kay Janine.

 

 

***

 

 

NAPAIYAK na raw lamang si Kapuso hunk Ruru Madrid nang hindi na naman natuloy ang second lock-in taping nila ng action-drama series nilang Lolong.

 

 

Nauna silang mag-lock-in taping sa Villa Escudero at napilitan silang huminto nang maghigpit muli dahil sa pandemya.

 

 

Ngayong ready na silang mag-quarantine na tuloy na sa lock-in taping, na-pack-up sila dahil may nag-positive naman daw sa production.

 

 

Since December na rin next month, balitang next year na sila magri-resume ang taping. Mabuti na lamang at may All-Out Sundays si Ruru at naigi-guest siya sa ibang shows ng GMA.

 

 

***

 

 

PINAGSASABAY pala ni Kapuso actor Jason Abalos ang work niya at studies, lalo pa at last week ay nag-renew siya ng another three-year exclusive contract sa GMA Network.

 

 

Katatapos lamang ni Jason ng lock-in taping ng GMA Afternoon Prime na Las Hermanas na kasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva at balik-Kapuso actor Albert Martinez.

 

 

Ngayon ay binalikan ni Jason ang masteral studies niya. Graduate si Jason ng Bachelor of Science in Civil Engineering.  Kaya ngayong may online classes, sinamantala na niyang ituloy ang studies niya dahil nasa bahay lamang siya.

 

 

Kung matapos niya ang masters, itutuloy niya ito sa doctorate at pagkatapos, gusto niyang makapagturo sa college.

 

 

Napapanood ang Las Hermanas daily at 2:30 PM after Eat Bulaga.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Death penalty bills, sinimulan nang talakayin ng Kamara kasunod ng apela ni Duterte

    Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Justice ang nakabinbin na 12 panukala na naglalayong ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan.   Ito ay matapos na umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa ikalimang SONA nito na asikasuhin ang mga panukalang batas para sa reimposition ng death penalty para sa mga […]

  • Ads October 14, 2023

  • Ads April 16, 2022