• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Death penalty bills, sinimulan nang talakayin ng Kamara kasunod ng apela ni Duterte

Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Justice ang nakabinbin na 12 panukala na naglalayong ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

 

Ito ay matapos na umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa ikalimang SONA nito na asikasuhin ang mga panukalang batas para sa reimposition ng death penalty para sa mga krimen na may kaugnayan sa kalakaran ng iligal na droga.

 

Sa kanyang sponsorship speech, binigyan diin ng pastor-lawmaker na si House Minority Leader Bienvenido Abante na hindi immoral ang pagpapataw ng parusang kamatayan sapagkat ang Diyos aniya ang siyang nagtatag nito para sa ikabubuti ng tao.

 

Iginiit ni Abante sa mga kritiko ng panukalang batas na dapat “mata sa mata, ngipin sa ngipin” ang pagpapanagot sa mga nagkasala dahil paano naman aniya ang mga naagrabiyadong indibidwal, lalo na iyong mga binawian ng buhay bunsod ng nagawang krimen.

 

“I am for death penalty. Advocacy ko ito in defense of human life, honor and dignity… and respect for law and authority,” ani Abante.

 

Kinontra naman ni House Dangerous Drugs Committee chairman Robert Ace Barbers ang mga nagsasabing hindi deterrent sa pagsawata sa mga krimen na may kaugnayan sa iligal na droga ang muling pagpapataw ng parusang kamatayan.

 

Walang basehan aniya ito lalo pa at iisang kaso lamang sa Pilipinas ang humantong sa death penalty at wala pa aniyang kaugnayan ito sa iligal na droga.

 

Kadalasan kasi aniya sa mga tinutukoy na datos para masabing hindi deterrent ang death penalty sa mga drug-related crimes ay mga pag-aaral sa ibang bansa at kultura.

 

Hindi rin aniya dapat maging balakid para sa gobyerno na huwag gawin ang nararapat at makabubuti sa mga mamamayan kahit pa aminado siyang may mga butas sa justice system ng bansa.

 

Bukod dito, hindi rin aniya dapat magpatali ang Pilipinas sa mga international commitment nito dahil pinapahintulutan naman ng Saligang Batas ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

 

Pero ayon kay Commission on Human Rights commissioner Karen Dumpit, malaki ang epekto sa ekonomiya at pakikitungo ng bansa sakaling ituloy ang reimposistion ng death penalty dahil sa mga paglabag sa maraming international agreements at obligations.

 

Bukod dito, wala naman kasi talagang compelling reasons para sa reimposition ng death penalty.

 

Papahinain lamang din aniya nito ang posisyon naman ng Pilipinas sa pag-apela sa buhay ng mga OFWs na nahaharap din sa death row sa ibang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • P8-M halaga ng food packages, tulong ng China sa mga sinalanta ng bagyong Odette

    Nagpaabot ng tulong ang China sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas.     Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 million sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo.     Kabilang na aniya rito ang probinsya […]

  • Kelot timbog sa entrapment sa Valenzuela

    ARESTADO ang isang 29-anyos na lalaki sa isinagawang entrapment operation ng pulisya makaraang tanggapin ang isang package na naglalaman ng hinihinalang marijuana kush sa Velenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong suspek na si Aaron James Bolivar ng […]

  • Ravena nag-eensayo na kasama ng NeoPhoenix

    MATAPOS ang maraming hadlang at problema, pormal nang nakasama sa ensayo ng San-En NeoPhoenix si Thirdy Ravena para sa paghahanda sa kanyang debut game sa Japan basketball league.   Nagtapos na ang 14-day man- datory quarantine ng 23-year-old high-flyer mula nang dumating sa Japan noong October 15.   Agad na nakisalamuha si Ravena sa kanyang […]