• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinakilos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para suportahan ang Bayanihan Bakunahan” program

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad na ipaabot ang lahat ng posibleng suporta sa “Bayanihan Bakunahan” program na pinangungunahan ng Department of Health at Department of Interior and Local Government.

 

Ang aktibidad na tatakbo mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ay naglalayong bakunahan ang 15 milyong Filipino sa 16 na rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila.

 

Sa kasalukuyan, may 32.9 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

“The Bayanihan Bakunahan” project seeks to significantly add to this figure, as we have all seen evidence of how increased vaccination rates have contributed to the reduction of active COVID-19 cases and the drop in daily new COVID-19 cases,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Kaya nga, hinikayat ng pamahalaan ang mga hindi pa bakunadong mamamayang filipino na magpartisipa sa “Bayanihan Bakunahan” project upang mabigyan ng mga ito ang kanilang mga sarili at pamilya ng proteksyon at kapayapaan ng isipan dahil sa bakunag ituturok sa kanila.

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Malakanyang ang lahat ng nag-organisa ng mga tauhan at resources para pakilusin sa pagbabakuna sa mga mamamayang filipino.

 

Pinasalamatan din ni Nograles ang mga frontliners na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para makapag-ambag sa tagumpay ng nasabing inisyatiba.

 

“Together, we can get the jabs done; together, we can beat COVID,” ayon kay Nograles. (Daris Jose)

Other News
  • 7 days quarantine na lang sa ‘bakunadong’ travelers

    Iniklian na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Di­seases sa pitong araw ang quarantine protocol para sa mga Pinoy trave­lers na papasok ng bansa na nakumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 dito sa Pilipinas.     Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa mga quarantine facility pa rin dadalhin ang […]

  • Construction worker na top 3 most wanted ng Malabon, nasilo

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang construction worker na nakatala bilang top 3 most wanted sa kasong robbery with homicide matapos masakote sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang naarestong akusado na kinilala bilang si Redentor Rodaste, 27 ng Sitio Gulayan, […]

  • Drive thru vaccination sa mga tricycle drivers isasagawa sa Maynila

    Itatayo sa susunod na linggo ang isang drive-through vaccination sites para sa mga public utility drivers susunod na linggo.     Sinabi ni Vice President Leni Robredo na prioridad dito ang mga tricycle driver ng lungsod ng Maynila.     Maari rin itong buksan sa mga drivers ng mga transport network vehicle services.     […]