• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALDEN, na-sad na ‘di kasama ang pamilya sa pagsi-celebrate ng Christmas, New Year at birthday sa Amerika; tuloy na ang lock-in shooting nila ni BEA

SIMULA kagabi muling napapanood si Asia’s Multimedia Star Alden Richards at ang buong cast ng GMA Primetime series na The World Between Us, sa kanilang season returns. 

 

 

Kaabang-abang ang new look ni Alden na tinawag na “Alden 2.0” dahil ibang-iba na ang character niya bilang si Louie Asuncion, na para na siyang isang high-class model, from a simple but smart guy to a business executive.  Napangiti nga si Alden nang sabihin para na siyang isang Korean CEO.

 

 

Kaya ang tanong paano niya na-achieve ang new look niya?

 

 

      “Majority po ng look ko ngayon, akin na po talaga yung isinuot ko, mula sa mga outfits ko at mga accessories, I really invest sa show, kasi I promised na kahit anong pwede kong maitulong, gagawin ko,” paliwanag ni Alden

 

 

“Nang mag-season break po kami ng serye, may three-year transition period ang character ko, kaya nag-slimming down ako, to give justice to the transition. 

 

 

Hindi po lamang naman ako, ganoon din sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.  Siguro po nakatulong din yung lock-in taping namin kaya nagkaroon kami lahat ng time to focus on it.

 

 

Medyo mahirap, pero nang makita namin ang changes, nakaka-proud pong panoorin na iyong mga pinaghirapan namin ay may pinuntahan.  Tutukan ninyo kami at 8:50 PM sa GMA-7.”

 

 

***

 

 

STIL on Alden Richards, balitang tuloy na ang lock-in shoot nila ni Bea Alonzo ng A Moment to Remember, na based sa hit 2004 Korean movie of the same title, pero ngayon, may bago na itong title na Special Memory.

 

 

Ito ang ipinahayag ni Viva Entertainment executive Vincent del Rosario, matapos nilang maghintay na maayos na ang pagsu-shooting nila dahil nabawasan na ang mga restrictions gawa ng pandemic, at magagawa na nila itong isang well-crafted movie.

 

 

Tungkol ito sa isang couple whose relationship would be tested when the wife gets diagnosed with early-onset Alzheimer’s disease.

 

 

Balitang magsisimula na silang mag-shooting ng December 1 hanggang December 20.  Kaya tamang-tama naman na sa December 23 ang alis ni Alden papuntang San Francisco, to be with his Kuya RD. 

 

 

Two years ding hindi nakabiyahe si Alden dahil sa pandemic, at ngayon lamang siya nakakuha ng time kaya susulitin na niya mag-rest after ng sunud-sunod na trabaho.

 

 

Sad nga lamang si Alden dahil kung dati every year ay kasama niyang nagbibiyahe ang family niya ng Christmas, this year ay hindi sila nakapag-renew ng visa kaya ang makakasama niya ay ang cousin niyang si April, who works in Siargao.

 

 

Doon na rin magsi-celebrate ng 30th birthday niya si Alden sa January 2, 2022.  Pagbalik niya ay magri-resume sila ng shoot ng movie ni Bea.

 

 

***

 

 

NATULOY na at nagsimula na ang lock-in taping ng first team-up nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Beauty Gonzalez, after ng Descendants of the Sun ni Dingdong at Stories of the Heart: Loving Miss Bridgette, ni Beauty.

 

 

Magtatambal sina Dingdong at Beauty sa “AlterNATE,” para sa second season ng drama anthology na I Can See You, kasama sina Joyce Ching, Bryan Benedict, Jackie Lou Blanco at Ricky Davao (na muling magtatambal after a long while).

 

 

The series is under the direction of Dominic Zapata, pagkatapos niyang idirek ang The World Between Us.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Gobyerno, nakatuon ang pansin sa COVID-19 vaccination drive sa high-risk areas gaya ng NCR

    NAKATUON ang pansin ng pamahalaan sa COVID-19 vaccination drive sa high-risk areas gaya ng National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.   Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na inirekomenda ng mga eksperto ang nasabing estratehiya para pigilan ang pagkalat ng coronavirus at matamo ang herd immunity sa NCR, Regions 3 at 4A, […]

  • Economic managers suportado ang ‘ayuda’, binasura ang suspensiyon ng fuel excise tax

    TUTOL ang mga economic managers  ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panukalang suspendhin ang excise tax sa petroleum products sa gitna ng tumaas na presyo nito.     Naniniwala ang mga ito na maaaring makapagbigay ito ng negatibong epekto sa ekonomiya.     Sa halip, isinusulong ng economic team ang target na pagtulong […]

  • Lolo at lola ng asawa, tiyak na tuwang-tuwa: KRIS, magiging nanay na at ‘di nila plinano ni PERRY

    MAGIGING nanay na si Kris Bernal.     Ito ang announcement niya sa kanyang Instagram account at Youtube account.     Hindi raw nila plinanong mag-asawa kaya sobrang tuwa niya nang makita niya ang double lines nang mag-pregnancy test siya.     Tiyak naman na ikinatuwa ito ng kanyang mister na si Perry Choi at […]