1 gradweyt kada pamilya, target ni Bong Go
- Published on November 24, 2021
- by @peoplesbalita
Inihayag ni Senator Bong Go sa harap ng grupo ng mga negosyante ang kahalagahan ng edukasyon bilang salik sa pagsustine sa pagrekober ng ekonomiya ng bansa.
Sa Presidentiables Forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kasabay ng 47th Philippine Business Conference and Expo, sinabi ni Go na kinakailangang matukoy ang 10 milyong pinakamahihirap sa hanay ng mahihirap para mabigyan sila ng pang-pinansiyal na ayuda at hanapbuhay.
Kapag natukoy, nais ni Go na tulungan ang bawat pamilya na magkarooon ng isang anak na napagtapos sa pag-aaral.
Sinabi ni Go na kapag siya ay nahalal, kanyang ipagpapatuloy at pag-iibayuhin ang mga naging accomplishments ng Duterte administration.
Sa ngayon, sinabi ni Go na may tinatayang 1.6 million mahihirap na Filipino students ang nakapag-aaral nang walang binabayaran sa tuition at miscellaneous fees dahil na rin sa Free Higher Education program ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
After ma-diagnose na may autism spectrum disorder: AUBREY, ilang projects ang tinanggihan dahil sa anak nila ni TROY na si ROCKET
MAGBUBUKAS daw ng category para sa mga transgenders ang Mutya Ng Pilipinas pageant ayon sa president nito na si Ms. Cory Quirino. Ayon kay Ms. Cory: “That has been my dream. I would like to open a category for them! We should also evolve with the times. Sumabay tayo sa agos ng pagbabago […]
-
Mayweather, hindi isinama sina Pacquiao at Ali sa top 5 na pinakamagaling na boksingero niya
Hindi isinama ni US retired boxing champion Floyd Mayweather sina Manny Pacquiao at Muhammad Ali bilang top 5 na pinakamagaling niyang boksingero sa buong mundo. Isinagawa nito ang pahayag sa Instagram live ni FatJoe. Tinanong siya dito na magbanggit ng limang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo kasama siya sa listahan. Ilan sa […]
-
₱12B Comelec funding, hindi para sa Cha-cha plebiscite
KINATIGAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang ginawang pagtanggi ng Commission on Elections (Comelec) na inilaan para sa plebisito ng Charter change (Chacha) ang P12 billion na additional funding ng Komisyon sa ilalim ng 2024 national budget. “It is not for the purpose of Charter Change but may be used for […]