• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAILY AVERAGE NA KASO NG COVID, NAG-PLATEAU NA

SINABI ni Health Usec Maria Rosario Vergeire  na nag-plateau na ang  daily average ng tinatamaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na linggo kung saan nagpapakita nang malaking pagbagal sa pagbaba ng mga kaso.

 

 

 

Mula sa 404 noong Nobyembre 1 hanggang 7, bumaba sa 435 ang arawang kaso nitong Nobyembre  8 hanggang 14 na bumaba pa sa 315 sa nakalipas na Nobyembre  15 hanggang 21, base sa datos ng DOH.

 

 

 

Kapareho rin ayon kay Vergeire ang sitwasyon sa iba pang rehiyon  sa bansa maliban sa iba pang bahagi ng Luzon na tuloy ang pagbaba ng mga kaso bagama’t kinakikitaan na rin nang pagbagal

 

 

 

Sa datos pa ng DOH, bumaba sa 1,436 ang average na naitatalang kaso sa bansa nitong Nov 15 hanggang 21

 

 

 

Mula ito sa 1,986 na arawang kaso na naitatala noong  Nov 8 hanggang Nov 14. GENE ADSUARA

Other News
  • DPWH pinasalamatan ang PSC sa pagtulong ngayon coronavirus pandemic

    Pinasalamatan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa pagtulong nito sa paglaban sa novel coronavirus pandemic sa bansa.   Sa sulat ng DPWH sa PSC, labis ang pasasalamat nila sa pagpapahiram ng PSC ng kanilang pasilidad.   Ginamit kasi ang ilang pasilidad ng PSC para gawing quarantine […]

  • 30 kompanya, pasok sa loan program ng DTI para sa 13th month pay

    Aabot na sa 30 ang naaprubahang application sa loan program ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa 13th month pay ng mga empleyado.     Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa P500 million ang inilaan ng kanilang kagawaran para sa loan program na ito.     Ang naturang halaga ay kayang makapagpautang […]

  • P32M BINALIK NG NAVOTAS PARA SA KARAGDAGANG AYUDA

    IBINALIK ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ilang alokasyon nito para sa iba`t ibang tanggapan upang maibigay ang enhanced community quarantine (ECQ) ‘ayuda’ sa lahat ng beneficiaries.     Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Appropriations Ordinance No. 2021-09 para sa reversion ng P32.4 million na inilaan para sa machinery repair at maintenance, drugs […]