• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport News DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.

 

 

Sa isang simpleng programa, sinabi ni DILG Reg. 3 Director Karl Caesar R. Rimando na pinondohan ng nagkakahalagang P20 milyon ang proyekto kabilang na ang Concreting of Farm-to-Market Road, Construction of Two Units of Health Center at Electrification Project.

 

 

Mabibigyan rin ang mga residente ng mga hayop na maaaring paramihin at pagkakitaan, mga pataba at mga binhi.

 

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang DILG sa pagpili nito sa Brgy. San Mateo bilang isa sa mga benepisyaryo ng programa at pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na ingatan at alagaan ang nasabing mga proyekto sa kanilang barangay.

 

 

 

“Lubos ang aking pasasalamat dahil isa ang Brgy. San Mateo sa napiling lugar dito sa Lalawigan ng Bulacan upang isagawa ang Barangay Development Program. Malaking tulong ito sa ating kapwa Bulakenyo sa Norzagaray, umpisa pa lamang ito ng pag-unlad. Karugtong nito, hinihiling ko lamang na ating alagaan at ingatan ang mga proyektong ipinagkaloob sa atin,” anang gobernador.

 

 

 

Itinatag ang Barangay Development Program (BDP) sa layuning maghatid ng kaunlaran sa mga komunidad sa bansa na dati ay may kaguluhan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • AMBS at ABS-CBN, nagkapirmahan na: Tumatak na Kapamilya serye nasa ALLTV na bukod sa ‘TV Patrol’

    INANUNSIYO na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation ang kanilang partnership na maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV.   Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibiday-daan sa ALLTV na […]

  • Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas tumuntong na lagpas 2.6 milyon

    Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,748 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya’t nasa 2.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 2,604,040 nagpapagaling pa: 106,160, […]

  • Proklamasyon ng mga nanalong party-list, sabay-sabay na ipoproklama sa Mayo 25 – Comelec

    POSIBLENG sabay-sabay na ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga nanalong party-list groups.     Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, kapag natapos na raw ang special elections sa Lanao del Sur at kung hindi na makakaapekto sa bilangan ang mga certificate of canvass mula sa Shanghai sa China […]